Accounting
![]()
Sa Pista ng Nayon
Nagtipon-tipon ang mga kasapi ng Liga ng Kababaihan para sa nalalapit na pista sa bayan ng Santa Teresita.
|
Ada: Bilang pinuno ng ating samahan, nais kong ipamalita sa lahat na sapat ang ating kaban para ipagdiwang ang pista. Ang makapagpapatunay niyan ay ang ating ingat-yaman na si Jennelyn. |
|
Jennelyn: Ayon sa aking talaan, may pumasok na perang donasyon mula sa tanggapan ng alkalde. |
|
Ada: Isandaang libong piso yon. |
|
Jennelyn: Umaabot na ngayon sa limandaang libong piso ang ating kabuuang pag-aari. |
|
Ada: Kamusta ang mga sagutin natin? Ang mga handa? Ang mga bandiritas? Ang musiko? Ang prusisyon? |
|
Jennelyn: Ang donasyon ng alkalde ang sasagot sa lahat ng yan. |
|
Ada: Ibig sabihin ba nito ay wala ni isang kusing ang ilalabas sa pondo ng liga? |
|
Jennelyn: Tumpak! At dahil gusto nating masiyahan ang lahat, inanyayahan natin ang American Idol finalist na si Jasmine Trias na dumalo sa konsiyerto. |
|
Ada: Ang saya-saya! |