Advertising
![]()
Sa Ad Agency
Kasalukuyang tinatalakay ni Diane ang kanyang proyekto para sa bagong kampanya ng Jollibee.
|
Diane: Para sa darating na Pasko, ihahandog natin sa mga Pilipino ang proyektong "Jollibee Burger Mula sa Puso". Sa bawat hamburger na bibilhin, isang kapus-palad ang matutulungang mabigyan ng libreng pagkain. Salamat po. |
|
Pangulong Celis: Diane, magaling ang iyong trabaho! Binabati kita. |
|
Diane: Sana naibigan ninyo ang storyboard. |
|
Ginoong Tino: Celis, sa palagay ko'y maayos ang ginawa ni Diane. Subalit napakaliit ng budget para sa patalastas na ito. Bilang Finance Manager, nais kong imungkahi na itaas ang budget. |
|
Pangulong Celis: Diane, ano ang iyong palagay? |
|
Diane: Tama po si Sir Tino. Ang isang milyong piso ay hindi sapat upang maisakatuparan natin ang proyekto sa Disyembre. |
|
Pangulong Celis: Nakita ko ang financial statement report ni Tino. Kaya pa nating dagdagan ang budget mo ng isa pang milyon. |
|
Ginoong Tino: Kung ganoon, mas malawak ang mararating ng ating patalastas. |
|
Diane: At mas marami tayong matutulungan. |
|
Pangulong Celis: Yan naman talaga ang direksyon ng Jollibee. Pipirmahan ko na ang bagong budget. |