Computers
![]()
Sa Internet Cafe
Tuwing Sabado ng hapon, tinatawid ni Mercy ang kapitbahay niyang internet cafe sa Maynila. Isang oras siyang nagbababad sa harap ng computer upang makausap niya ang kanyang asawang OFW sa Saudi.
Binuksan ni Mercy ang yahoo messenger, inilagay ang headphone at sinimulan ang webcam.
|
Mercy: Mahal, kamusta ka na? |
|
Joel: Heto, pagod sa construction site. Sobrang mainit dito pero malaki naman ang sahod. |
|
Mercy: Miss ka na namin ni Junior. |
|
Joel: Ako rin miss na miss ko na kayo. Isang taon pa Mercy at makakauwi na rin ako. Tiis lang muna tayo. |
|
Mercy: Pumapasok na si Junior sa High School ngayon. |
|
Joel: Matangkad na siguro siya ano? Hayaan mo at magpapadala ulit ako ng perang panggastos sa tuition at sa bahay. |
|
Mercy: Salamat Joel. Gagamitin ko ang ilang pera nang makabili rin ng kompyuter. Mahirap nang mahuli ang anak natin sa iskwela. Matalino pa naman ang bata. |
|
Joel: Maigi yon at hindi ka na lalabas pa ng bahay para lang mag-chat tayo. |
|
Mercy: Makakaasa kang makakaraos din tayo. May awa ng Diyos Joel. |