Financial Structure
Usapan ng mga Magkakaibigan tungkol sa Repormang Pang Ekonomiya
Mang Lito; Oo nga, kabilang na dito ang sinasabi ni Mrs. Arroyo na drastiko at masakit na repormang ipinatupad ng kanyang administrasyon ay ang Expanded Value Added Tax, bank reforms at ang anti-corruption at anti-smuggling drive.
Mang Ben: Ay naku, hindi ako naniniwala na ang Pilipinas ay unti-unti nang nagiging self-reliant dahil sa mga ipinatupad ng pangulo na economic reforms.
Mang Lito: Hindi rin ako naniniwala na kaya nang pondohan mula sa internal fundings ang mga infrastructure projects na hindi na kailangang umutang pa.
Mang Ben: Ipinagmalaki din ni Pangulong Arroyo ang natuklasang langis sa Galoc oil fields sa Palawan kung saan ay nakikita nating magkakaroon na tayo ng energy independence sa loob ng 2 taon.
Mang Lito: Mabuti kung ganoon pero ang masama - hindi pa nakikita ang langis - marami nang nakikinabang.