Growth Resources
![]()
Sa Call Center
|
Mona: Garnet, saang call center ka nga ulit pumapasok? Nakalimutan ko kasi. |
|
Garnet: Sa pinakabagong E-Telecare Global Solutions sa Mandaluyong. |
|
Mona: Ako sa E-Telecare din pero sa Makati. |
|
Garnet: Kakasimula ko lang noong isang linggo. Napag-alaman kong ang E-Telecare pala ang pinakamalaking call center sa Pilipinas. |
|
Mona: Oo, nasa higit na sampung libong tauhan na ang mga naninilbihan dito sa Pilipinas. At mayroon pang mga tatlong libong katao ang naka-base sa Arizona, North Dakota, South Dakota at New Mexico. |
|
Garnet: Paano nga pala lumaki ng ganito ang call center? |
|
Mona: Sabi ng aming TL (team leader), lumago ang E-Telecare dahil sa katatapos na IPO (Initial Public Offering) ng American Depository shares sa NASDAQ Stock Exchange sa halagang labintatlong dolyar bawat share. |
|
Garnet: Ganoon ba? Alam mo rin ba kung magkano na ang kabuuang kapital nito? |
|
Mona: Ang kinita ng IPO ay labindalawang milyong dolyar kung kaya naman umakyat na ang kapital sa kabuuang halagang limang daan at tatlumpung dolyar. Anong masasabi mo roon? |
|
Garnet: Kaya naman pala nakakagulat din ang buwanang pasahod dito na mas mataas kaysa sa karaniwang ibinibigay sa ibang kompanya. Mapalad tayo Mona. |