Labor Union
Sa Samahan ng Manggagawa
Buwanang nagpupulong ang mga kasapi ng Samahan ng Manggagawang Guro sa Pampublikong Paaralan.
Punong-guro Merlina Oteyza: Lumiliit ang bilang ng mga gurong aktibo sa ating unyon. |
Ginang Araceli Fernandez: Dahil po marami na rin ang mga nagsipagtandaan sa pagtuturo. Nagsipagretiro na ang karamihan. Sa isang taon mabibilang na rin ako roon. |
Binibining Emerina Dael: At dahil ang ibang guro rin po ay lumilipat sa mga pampribadong paaralan. |
Punong-guro Merlina Oteyza: Nauunawaan ko ang sitwasyon. May nais bang maghain ng mungkahi upang tumaas ang bilang ng ating mga kasapi? |
Ginang Araceli Fernandez: Sana po ay hindi buwanan ang pagpupulong. Marami pong hindi nakararating sapagkat hindi sapat ang pamasahe papunta rito. |
Binibining Emerina Dael: At wala rin pong gaanong oras para maasikaso ang mga pulong. Maaari naman ang isang pulong tuwing tatlong buwan. |
Punong-guro Merlina Oteyza: Sang-ayon ako. |
Ginang Araceli Fernandez: May iba po akong katanungan madam. |
Punong-guro Merlina Oteyza: Ano iyon Ginang Fernandez? |
Ginang Araceli Fernandez: Kailan po kaya darating ang suplay ng tisang panulat sa pisara. Hindi po sapat ang isang kahon para sa isang buong taon ng pagtuturo. Bawat guro ay gumagastos mula sa sariling bulsa ng humigit sa dalawandaang piso upang makabili ng tisa sa silid-aralan. |
Punong-guro Merlina Oteyza: Sumulat na ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Ilalabas na sa makalawa ang pondo para sa kahilingan nating iyan. Ang masaklap lang, puting tisa lamang ang ipadadala. Bilang mga guro, nasa ating mga kamay kung paano natin maibabahagi ang karunungan sa mga bata. Mahirap magturo subalit marangal. Tandaan ninyo iyan. |