Taxes
![]()
Sa Acra Law Office
Abril na namang muli at panahon nag pagsasalansan ng buwis mula sa kinitang sahod noong nakaraang taon.
|
Anton: Attorney Acra Gomez, pakitulungan po ako sa pag-file ng income tax. |
|
Attorney Gomez: Paano ko kayo matutulungan? |
|
Anton: Hindi ko po alam kung magkano ang buwis na kakaltasin sa akin. |
|
Attorney Gomez: Madali lang iyan, Anton. Ang lahat ng kinita mo mula sa paghahanapbuhay sa loob ng bansa ay may karampatang buwis. Pinakamaliit na limang porsiyentong buwis sa kabuuang kita na sampung libo pababa. Pinakamataas na tatlumpu at dalawang porsiyento naman sa kitang limandaang libong piso pataas. |
|
Anton: Ano po ba ang mga kailangan ninyong papeles? |
|
Attorney Gomez: Kung dala mo ang kahit anong paycheck o income statement, madali nating makikita ang buwis na kakaltasin sa iyo. |
|
Anton: Heto po. |
|
Attorney Gomez: Mayroon ka rin bang naitagong mga resibo ng gasolina, resibo sa restawran o kainan at resibo sa mga biniling damit pamasok sa opisina? |
|
Anton: Para saan po ang resibo? |
|
Attorney Gomez: Maaari nating sumahin ang lahat ng iyan bilang pang-araw-araw na gastusin sa iyong pagpasok sa trabaho. At pagkatapos noon ay ibabawas natin ang kabuuang halaga sa iyong kita. Sa ganoong paraan, maaaring lumiit pa ang halaga ng porsiyentong buwis na makakaltas sa iyo. |
|
Anton: Ganoon ba? Aba itinatabi ko po ang mga resibo ko dahil sumasali ako sa "Manalo sa Resibo Text Promo" ng Kagawaran ng Rentas Internas. Hay salamat nang marami! |