Unemployment

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Simbahan

AnnaSaint Jude, patron ng mga walang pag-asa... Ipanalangin mo po kami.

KarenSa ngalan ni Hesukristo, aming Diyos!

NinaAmen.

AnnaHindi pa rin ako tinatawagan ng mga kompanyang inaplayan ko!

KarenAnong akala mo? Ikaw lang ba? Ako rin, mag-iisang taon na!

Nina:  Ako, ang lahat ng aplayan ko, tumatawag naman.  Awa ng Diyos, hanggang unang panayam lang tapos wala na!

AnnaAng hindi ko lubos maisip, mataas naman ang pinag-aralan nating tatlo.  Bakit kaya ayaw nila tayong tanggapin?

KarenYun na nga ang mahirap dito sa Pilipinas.  Kahit gaano ka pa katalino kung wala ka namang kapit sa loob, eh wala ka pa rin!

NinaPagod na pagod na nga akong maghanap ng trabaho.  Tingnan ninyo ang sapatos ko, pudpud na! Hay naku! Ang buhay nga naman!

Anna, Karen at NinaSaint Jude, patron ng mga walang pag-asa... Ipanalangin mo po kami.