Warehouse
![]()
Sa Kamalig
|
Delio: Boss Rex, wala pa po ang bagong delivery boy natin. |
|
Rex: Anong pangalan ng bagong tauhan mo, Delio? |
|
Delio: Ronald Camacho, boss. |
|
Rex: Heto na ang trak ng San Miguel Beer. Tingnan mo nga kung siya na yan. |
|
Delio: Opo siya na nga. |
|
Ronald: Boss Rex, boss Delio, paumanhin po. Natrapik lang sa daan, galing sa restawran nila Emmy Paras. |
|
Rex: Kamusta ang trabaho mo, Ronald? |
|
Ronald: Mabuti naman po. Wala namang naging sakuna sa daan. Wala rin pong kulang sa mga kaha ng beer. At kumpleto rin po ang koleksiyong bayad ng ating mga suking tindahan. Matulungin naman po ang mga may-ari ng restawran at tinuruan nila ako sa aking tungkulin. |
|
Delio: Subukan mo lang alamin ang ibang ruta para nasa oras ka sa paghahatid ng beer. |
|
Ronald: Bukas po iibahin ko ang ruta ko. Iiwasan ko pansamantala ang dumaan sa Edsa. Boss Delio, idadaan ko lang po muna ang mga boteng basyo sa kamalig at isasakay ko naman ang mga bagong kaha sa trak. |