Advertising
Sa Advertising Meeting
Kasalukuyang tinatalakay ni Diane ang kanyang proyekto para sa bagong kampanya ng Jollibee.
Diane
Para sa darating na Pasko, ihahandog natin sa mga Pilipino ang proyektong "Jollibee Burger Mula sa Puso". Sa bawat hamburger na bibilhin, isang kapus-palad ang matutulungang mabigyan ng libreng pagkain. Salamat po.
Pangulong Celis
Diane, magaling ang iyong trabaho! Binabati kita.
Diane
Sana naibigan ninyo ang storyboard.
Ginoong Tino
Celis, sa palagay ko'y maayos ang ginawa ni Diane. Subalit napakaliit ng budget para sa patalastas na ito. Bilang Finance Manager, nais kong imungkahi na itaas ang budget.
Pangulong Celis
Diane, ano ang iyong palagay?
Diane
Tama po si Sir Tino. Ang isang milyong piso ay hindi sapat upang maisakatuparan natin ang proyekto sa Disyembre.
Pangulong Celis
Nakita ko ang financial statement report ni Tino. Kaya pa nating dagdagan ang budget mo ng isa pang milyon.
Ginoong Tino
Kung ganoon, mas malawak ang mararating ng ating patalastas.
Diane
At mas marami tayong matutulungan.
Pangulong Celis
Yan naman talaga ang direksyon ng Jollibee. Pipirmahan ko na ang bagong budget.