Banking

Sa Bangko

 

Ika-siyam ng umaga.  Pumunta si Mr. Francisco sa Banco de Oro.  Kinausap niya ang  New Accounts Teller na si Grace.

Grace

Magandang araw. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?

 

Mr. Francisco

Magbubukas ako ng ATM account.

 

Grace

Account holder na po ba kayo dito?

 

Mr. Francisco

Oo. Mayroon na akong savings account.  Mayroon na rin akong checking account.

 

Grace

Mabuti naman po kung ganon.  Madali nating magagawa ang ATM account.

 

Mr. Francisco

Ano ba ang mga kailangang gawin?

 

Grace

Una po, sasagutan ninyo ang application form kasama ng 1x1 ID picture at dalawang ID. Ikalawa, magbabayad po kayo ng  isandaang piso.  Ikatlo, hinihikayat po namin ang paunang deposito na limanlibong piso.  Ito po ang nararapat na balanse upang hindi mabawasan ng bank charges ang pera ninyo.  Ika-apat, makukuha na po ninyo ang ATM card bukas.  Bukas din po ninyo gagawin ang PIN code number.

 

Mr. Francisco

Pwede bang kunin ko ang paunang deposito at application fee mula sa savings account ko?

 

Grace

Pwede po.  Papipirmahin ko lang po kayo ng withdrawal slip at deposit slip at ako na po ang mag-aayos ng transaksyon.

 

Mr. Francisco

Sige nga iha. Salamat.