Clothing & Accessories
Sa Opisina
Boss
Ladies and gentlemen, our regional director from the US, Mr. Brian Davies will be expecting us all to a dinner later this evening at Manila Peninsula. It is his birthday and his way of saying thank you to everyone for a job well done in the previous quarter. Without your help, the business of Sara Lee will never be the same.
Maraming salamat at aasahan ko ang inyong pagdalo.
Mitzy
Yes sir. Thank you sir. We love you sir.
Allan
Mitzy, ngayon pa lang ayos na ayos na ang buhok at make-up mo. Ibang klaseng sekretarya ka talaga!
Mitzy
Siyempre naman. Wala pa nga yan kasi half-day ako ngayon. Sa hapon, pupunta na ako sa parlor.
Allan
Magpapaganda ka pa sa lagay na yan?
Romina
Allan, iba talaga ang babae. Kung kayong mga lalaki, dadating na lang kayo sa hotel na hindi man lang nagpapalit ng damit, pwes kaming mga babae dapat magpalit ng suot.
Mitzy
Tama ka Romina! Ano nga pala ang damit mo?
Romina
Red halter dress. Tapos ang accessories ko, hikaw na dangling at kuwintas na diyamante.
Mitzy
Ang sa akin, itim na bistida. At may pulseras na pilak at pitaka.
Allan
Tama na yan. Balik trabaho na. Kapag hinanap ako ni boss, pakisabi kinuha ko lang ang pina-dry clean kong Pitoy Moreno Barong.
Romina
Ibang klase ka rin Allan!