Computers
Sa Internet Cafe
Tuwing Sabado ng hapon, tinatawid ni Mercy ang kapitbahay niyang internet cafe sa Maynila. Isang oras siyang nagbababad sa harap ng computer upang makausap niya ang kanyang asawang OFW sa Saudi.
Binuksan ni Mercy ang yahoo messenger, inilagay ang headphone at sinimulan ang webcam.
Mercy
Mahal, kamusta ka na?
Joel
Heto, pagod sa construction site. Sobrang mainit dito pero malaki naman ang sahod.
Mercy
Miss ka na namin ni Junior.
Joel
Ako rin miss na miss ko na kayo. Isang taon pa Mercy at makakauwi na rin ako. Tiis lang muna tayo.
Mercy
Pumapasok na si Junior sa High School ngayon.
Joel
Matangkad na siguro siya ano? Hayaan mo at magpapadala ulit ako ng perang panggastos sa tuition at sa bahay.
Mercy
Salamat Joel. Gagamitin ko ang ilang pera nang makabili rin ng kompyuter. Mahirap nang mahuli ang anak natin sa iskwela. Matalino pa naman ang bata.
Joel
Maigi yon at hindi ka na lalabas pa ng bahay para lang mag-chat tayo.
Mercy
Makakaasa kang makakaraos din tayo. May awa ng Diyos Joel.