Contracts
Sa Barangay Hall
Ninais makausap nila Kulas at Ginoong Evangelista ang kapitan ng barangay na si Ka Bogart. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan sa lupang sakahin sa Nueva Ecija.
Ka Bogart
Dito tayo sa loob ng opisina ko mag-usap.
Ginoong Evangelista
Kap, matagal nang atraso ni Kulas ang hindi pagbabayad ng buwis sa lupa ko.
Kulas
Kap, walang-wala po talagang aning mangga. Paano po ako makakabayad ng buwis?
Ginoong Evangelista
Kulas, lumang tugtugin na yan. Ang tanong ko sa iyo, bakit walang bungang mangga samantalang nakita ng dalawang mata ko na hitik na hitik ang mga puno noong isang buwan?
Kulas
E binagyo po kaya walang natira.
Ginoong Evangelista
Tama! Dumaan ang bagyong Kulas kaya naubos ang mga bunga!
Kulas
Magbabayad po ako ng buwis sa susunod na anihan. Utang po muna.
Ginoong Evangelista
Wala sa kontrata yan. Ang nakalahad sa kontrata natin ay kung hindi makakabayad ng buwis sa natatakdang panahon, ang kapalit na pambayad ay kasinghalaga ng palay.
Ka Bogart
Kulas, siya nga naman. Malinaw na nilagdaan mo ang kasunduan. Bilang magsasaka ng lupa ni Ginoong Evangelista, nasa ilalim ka ng batas ng reporma sa lupa. Dapat mo itong tuparin.
Kulas
Kap, baka naman gusto ninyo ng mangga? Ayusin natin ang kontrata.