Customer Service
Sa Megamall
Jun-Jun
Pare, hindi ko alam ang bagay sa aking kulay ng polo.
Albert
Madali lang yan! Parang sabong lang yan! Sa pula, o sa puti.
Jun-Jun
Kaya nga ako nagpasama sa iyo e.
Gina
Ako po si Gina, ang inyong sales girl. Ano po ang hinahanap nila?
Jun-Jun
Damit para sa prom.
Gina
Marami po kaming polo para sa lahat ng okasyon. May extra small, small, medium, large, extra large. Lahat ng size, laht ng kulay. Kumpleto po dito sa SM.
Jun-Jun
Medium ako pero ano kaya ang magandang kulay?
Gina
Sir, matipuno naman kayo, maputi at pogi pa kaya siguradong lahat babagay sa inyo. Kung gusto ninyong maglaro ng kulay, asul ang piliin. Kung gusto ninyo ng polong magagamit din sa interview, kulay puti. O kaya kung gusto ninyong magkaterno kayo ng partner ninyo, kulay rosas o dilaw. Dagdagan pa ninyo ng neck tie at coat. Tiyak akong kayo ang magiging Prom King.
Albert
Jun-jun, narinig mo ba yon? Naks pare, may tama na sa yo si Gina!
Jun-Jun
Ang galing mag-sales talk! Coat and tie pa raw! Mapapabili tuloy ako nang hindi oras!