Economics
Sa Sari-Sari Store
Aling Berta
Pabili nga ng mantika. Bente pesos. Tingi lang mare.
Aling Carmen
Berta, bakit tingi lang ang bibilhin mo?
Aling Berta
Mahina kasi ang labada ngayon, Carmen.
Aling Carmen
Alam mo ba na mas makakatipid ka kung isang buong lata ng Minola ang kukunin mo?
Aling Berta
Sa paanong paraan?
Aling Carmen
Ganito kasi yan. Nabasa ko sa peryodiko na tataas ang presyo ng krudo sa makalawa. Kaya bago pa umakyat ang presyo ng bilihin, samantalahin mo na ang pagkakataon na mababa pa ang presyo ng langis.
Aling Berta
Ano ang kinalaman ng presyo sa bilihin?
Aling Carmen
Presyo ang isinasaalang-alang sa ekonomiya ng suplay at demand. Kapag mataas ang presyo, bababa ang demand. Kapag mababa naman ang presyo, natural na marami ang demand.
Aling Berta
Carmen, hindi ko alam na magaling ka pala sa Math! O sige, isang lata ng mantika nga.
Aling Carmen
Dapat nobenta yan pero dahil suki kita, otsenta na lang.