Electronics
Sa Loob ng Bahay
Nanay
Daddy, pwede bang paki-on ang TV?
Tatay
Anong channel ang gusto mo?
Nanay
Channel 7. Gusto kong panoorin sila Tito, Vic at Joey sa Eat Bulaga!
Tatay
Gusto mo sigurong sumali sa Laban o Bawi ano?
Nanay
Sa totoo lang, tumawag na ako sa toll-free number nila at nag-text sa cellphone para maging studio contestant. Maghintay ka lang at baka banggitin ang pangalan ko.
Tatay
Kung mananalo ka, ano ba ang gusto mong premyo?
Nanay
Appliance showcase! Gusto ko ng washing machine, microwave oven, dishwasher, coffee maker, toaster, stove, rice cooker, aircon, ref at iba pa. Lahat bago!
Tatay
Isama mo naman ako sa mga pangarap mo! Ako ang gusto ko bagong kotse na pampasadang taxi. Alam mo naman na yon ang bumubuhay sa pamilya natin.
Nanay
Aba kumilos-kilos ka rin ano! Tumaya ka na ba sa lotto?
Tatay
Hindi pa, honey. Paano naman akong lalabas sa init ng araw gayong hindi pa tayo nanananghalian? Luto na ba yan?