Environment
Sa Bohol
Si Dang, isang mananaliksik para sa Animal Planet at si Manu, isang bakasyonista ay kapwa nagkita sa Loboc River Cruise sa Bohol. Magkamag-aral sila noon sa kolehiyo.
Dang
Manu, ikaw ba yan?
Manu
Dang, ikaw ba yan?
Dang at Manu
Oo ako nga!
Dang
Ano ang ginagawa mo dito?
Manu
Nagbabakasyon kasama ng mga kaibigan ko. Ikaw?
Dang
Tinatapos ko ang research ko tungkol sa mga hayop sa Asya.
Manu
Nakita mo na ba ang Philippine tarsier, ang pinakamaliit na uri ng unggoy sa mundo? E napuntahan mo na ba si Phyton, ang pinakamalaking sawa sa Pilipinas?
Dang
Oo tapos na. Gaya ng mga tao dito, ang tarsier at phyton ay lahat maaamo.
Manu
Nasubukan mo na bang mag-scuba dive kasama ng mga isda sa Panglao beach?
Dang
Napakaganda roon. Isang buong araw akong nasa Panglao kahapon.
Manu
Ganoon pala. Sige sumama ka na lang sa amin. Pupunta pa kami sa Chocolate Hills, sa kuweba ng Hinagdanan, sa monumento ng Blood Compact at sa iba-ibang lumang simbahan. At sasakay din tayo sa habal-habal.
Dang
Napakayamang isla! Dapat alagaan natin ang mga natitirang munting paraiso gaya ng Bohol! Tara na, biyahe na tayo.