Insurance

anarule.gif (1534 bytes)

Sa Philam Insurance Company

Naghanda si Letty, isang Certified Financial Planner upang tapusin ang alok na insurance kay Ginoong Roger Wyatt, ang Regional Office Manager ng IBM.  Isinama ni Letty si Cecille, ang agency manager sa Philam Insurance Company.

Roger

Magandang araw, Letty.

 

Letty

Sa iyo rin Roger.  At dahil mong makilala ang aking boss, napakiusapan kong isama siya ngayon.  Nandito po si Cecilia Melendez.

 

Cecille

Ikinagagalak ko kayong makilala, Mr. Roger Wyatt.  Tawagin na lang ninyo akong Cecille.

 

Roger

Napagkasunduan na namin ni Letty ang produktong VersaLife.  Ano ba ang maipapangako sa akin ng Philam?

 

Cecille

Sa VersaLife, kayo po ay panghabambuhay na makakaasa ng proteksiyon.  Protektado kayo sa bawat sakuna at problemang pangkalusugan.  Kasama rin ang insurance sa paglalakbay ninyo sa iba't ibang bansa.  At sa inyong ika-60 taon, makatatanggap kayo ng balik-kita o ang return on premium.  Lumalabas na ang ibinayad ninyong premium ay makukuha ninyo bilang maliit na pensiyon bawat buwan.

 

Roger

Nais ko rin yan sa aking pamilya.

 

Letty

Magagawan ko kayong lahat ng alok na insurance.  Mabuti rin yan sa inyong asawa at mga anak.

 

Cecille

May insurance na po ba ang inyong mga anak sa pag-aaral?

 

Roger

Cecille, marami na akong binabayarang College insurance.  Ang panganay ko ay nasa London Business School na at ang bunso ko naman sa Harvard sa susunod na taon.

 

Letty

Matatalino ang mga anak ni Roger.

 

Cecille

Nagmana lahat sa ama.

 

Roger

Bueno, pakibalik mo sa akin Letty ang alok na VersaLife. Isa sa bawat mag-anak ko.  Maaari mo bang kuwentahin ang buwanang bayad?

 

Letty

Pakihintay lang po at gagawin ko na. Salamat.