Use the on-line dictionary for difficult vocabulary words.  Click on the audio to listen to the text.

real.gif (626 bytes)

Ang Pagkaing Pilipino

Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin.  Ang taal ng pagkaing Pilipino ay payak.  Pero ito ay nadadagdagan na ng mga putaheng kastila at Tsino., Amerikano at Bumbay.  Liban pa rito, bawa't rehiyon o probinsiya ay may kani-kaniyangespesyal na luto at panlasa.   Mayroon ding kaibhan ang pagkaing pang arw-araw at pagkaing panpista.

 lumpia.jpg (27538 bytes)

Di masyadong palakain ng karne ang mga Pilipino.  Marahil dahil sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat.   Karamihan ng katutubong putahe ay uko sa isda, alimango, talaba at hipon.   Sinasabing ang mga pagkaing-dagat na mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo.  Dalawa ang pinatampok na isda sa arkipelagong ito:   ang bangus at ang lapu-lapu.

Ang tradisyonal na putahe sa pista ay litson.  Karaniwan nang iniihaw ito sa araw mismo ng kasayahan. Tinutusok ng kawayan ang kinatay na baboy at pinapaikut-ikot sa ibabaw ng nagbabagang uling.  Ang pinaka-atay ay ginagawang salsa.  Umaabot nang walo hanggang sampung oras ang paglulutson ng baboy kaya isang malaking okasyon ang paghahanda nito.

Mahilig rin sa gulay ang mga Pilipino.  Ginagamit nila itong pansahog sa baboy at karne, at kung minsan ay bilang pinkatampok na putahe.  Kapag sa huli. ginigisa itong kasama ng piraso ng baboy at hipon.  Marahil ang pinkatanyag na putaheng gulay ay ang pinakbet ng mga Ilokano.

Ang mga katutubong panghimagas ay gawa sa giniling na bigas, mais, ube o kamote.  Minamatamis rin ang ilang mga prutas na tulad ng saging, santol, langka at iba pa.  Makikita sa panghimagas ang impluwensiya ng kastila.  Karamihan sa nga putaheng ginagamitan ng itlog at gatas ay halaw sa lutuing kastila, tulad ng leche flan, braso de mercedes, at pastillas.  Mayroon ding tinatawag ng halu-halo ang mga Pilipino.  Ito'y iba't-ibang pinagsamang prutas at gulaman na may kinaskas na yelo, gatas, at asukal.

Mula sa Tsina, nakuha ng Pilipino ang pansit bagama't ang pagluluto nila rito ay may kaibhan.  pancit.jpg (22180 bytes)Mayroon din namng pagkaing Amerikano sa lutuing Pilipino.  Ang pinakakaraniwan dito ay ang bistik --maninipis na hiwa ng karne na may toyo at kalamansi at pinirito at sinahigan ng sibuyas.

Masasabi ngang nilalarawan ng lutuing PIlipino hindi lamang ang kanyang kulutra kundi pati na ang kanyang kasaysayan.

 

 

Source:  Ramos, T. V. and Goulet, Rosalina, M. (1981).  Intermediate Tagalog:  Developing Cultural Awareness   through Language.  University of Hawaii Press:  Honolulu.

This space shows a quiz in java-enabled browsers.