Sa mga lugar na mahangin at mainit, hindi gumagamit ang mga tao ng "dryer." Naglalaba ang mga tao sa labas ng kanilang bahay. Buong araw nilang sinasampay ang mga damit nila sa labas.

 

Ito ang tindahan ni Mang Ben sa palengke. Mga gulay, prutas at maraming pagkain ang tinitinda niya. Si Mario ang anak niya. Magkasama sila sa pagtitinda araw-araw.

Mga bata ito sa Pilipinas. Mahirap ang mga pamilya nila. Walang trabaho ang mga nanay at tatay nila. Mga basura ang kinakain nila. Wala silang mga bahay. Natutulog sila sa kalye. Wala silang damit. Nakahubad sila. Kawawa naman ang mga batang ito.