Sanaysay: Kapag May Klase
Estudyante sina Beth at Gail. Kapag may klase, nag-aalmusal sila sa bahay ng alas sais . Pumapasok sila sa eskuwela ng alas siyete. Kumakain sila sa kapeterya ng alas dose ng tanghali. Pumapasok ulit sila sa klase ng ala-una. Pagkatapos, nagpupunta sila sa parke. Nagdya"jogging" sila tuwing hapon. Umuuwi sila ng alas sais y medya. Nag-aaral sila sa gabi. Natutulog sila ng alas onse.