1. Munting bundok,
hindi madampot.
2. Isang prinsesa,
nakaupo sa tasa.
3. Gintong binalot
sa pilak;
Pilak na binalot sa balat.
4. Dalawang
prinsesa, labas pasok sa lungga.
5. Isa ang
pinasukan, tatlo ang nilabasan.
6. Munting tampipi,
puno ng salapi.
7. Ang anak ay
nakaupo na habang ang ina'y gumagapang pa.
8. Mayroon akong
alipin, sunod ng sunod sa akin.
9. Lumalakad, walang
paa; lumuluha walang mata.
10. Habang pinapatay,
lumalawig ang buhay.
11. Nagtago si Nilo,
nakalabas ang ulo.
12. Maliit pa si
pare, umaakyat na sa tore.
13. Takot ako sa isa,
pero hindi sa dalawa.
14 .Tubig na
pinagpala, kapag natuyo ay muta.
15. Buto't balat,
lumilipad.
16. Dalawang sinulid,
abot hanggang langit.
17. Maliit pa si
nene, marunong ng manahi.
18. Hindi tao, hindi
hayop, apat ang paa.
19. May dila nga
ngunit ayaw namang magsalita
Kambal sila't laging magkasama ang isa't isa
Itali o igapos, kahit higpitan mo pa
Tiyak silang sa'yo ay sasama...
20. Mayroong araw,
mayroong buwan, hindi naman langit
Mayroong katapusan, ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi
Wakas niya ay ipinagbubunyi...
|
|