Gawain sa Panood:

Ang panonood ng pelikula ay waring isang pagtunghay sa sining at buhay.  Dahit dito, mahalaga ang pagdalumat sa kagandahan nito bilang produkto ng kolektibong malikhang isipan at imahinasyon ng tao. Gayundin, kailangan ang maingat at pamanuring pagdama sa mga tauhan - sa kanilang iniisip, nadarama at ikinikilos at sa mga pangyayaring kinasasangkutan nila.  Sa kabuuan, kailangang suriin ang mga salik na tumulong upang maging ganap na buhay at masining ang pelikula.

Sa pamamagitan ng pan-aantas pahalagahan ang pangkalahatang merito ng pelikulang pinanonood:

5- mahusay na mahusay (excellent)
4 - mahusay
(very good)
3 - katamtaman
(average)
2 - mahina
(below average)
1 - mahinang-mahina
(poor)

Banghay
1.  Maganda ang kuwento ng pelikula.
2.  Nakatulong ang bawat "scene" sa pagganap ng mga "characters" at sa paghayag ng "theme" ng pelikula.
3. Mahalaga ang "flashback" sa pelikula
4.  Makatotohanan at orihinal ang "dialogues" ng mga tauhan. 
Pagganap
1.  Maganda at makatotohana ang pagganap  ng mga tauhan ayon sa kanilang karakter.
2.  Naging malalim at nagkaron ng konsistensi ang kanilang pagganap.
Sinematograpiya
1.  Tamang-tama ang mga kagamitang biswal sa pelikula.
2.  Nakatulong ang pag-iilaw (presence of lights and darkness)sa pagtatampok ng mga mahahalagang eksena.
3.  Malikhain at may layuning ang galaw ng kamera.
Musika
1.  May orihinalidad (originality) ang paglapat ng tunog
2.  Nakatulong ang awitin upang maunawaan ang tema ng pelikula (appropriate song)
Disenyong Pangkasuotan
1.  Awtentiko at angkop sa panahong ng pelikula ang mga kasuotang ginagamit.