Mga Awitin

Dito Ba

Wakas

Bulaklak

Ang Tangi Kong
Pag-ibig

Kapalaran

Mahiwaga

Handog

Mahal

Kay Ganda ng
Ating Musika

Mahawi Man
ang Ulap

Sana ay Ikaw
na Nga

Back to Tagalog Songs

Back to Tagalog Home Page

Click on the audio icon to listen to the songs.

real.gif (626 bytes)DITO BA? (Recording by:   Ms. Christiane Davide Ong)

Dito ba, dito ba

Dito ba, o, dito ba

Ang dapat kong kalagyan

Na isang sulok kong hiram

Sa ilalim ng araw

Dito ba ang daigdig ko ngayon

Bakit ibang-iba sa daigdig ko noon

Dito ba kung sa’n naroroon

Ang hinahanap kong wala sa panahon

KORO:

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

Kung saan kay lalim ng luha

Ligaya’y kay babaw

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

Dito ba ako naaangkop

Sa paraiso ng walang kumukupkop

Dito ba naro’n ang tagumpay

Magkabila’y ngiti sa loob ay may lumbay

(Ulitin ang Koro)

Kung saan kay lalim ng luha

Ligaya’y kay babaw

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

Dito ba ang sulok kong takda

Sa ilalim ng araw

(fade…)

 TOP

 

real.gif (626 bytes)WAKAS (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

Ilog at dagat naiiga rin

Namamatay ang kislap ng bituin

Kahit ang araw magdidilim din

Dahil may wakas ang lahat man din

Ang lahat ng bagay ay may wakas

Tulad din ng pag-ibig mo

Ngunit mabubuhay kung sing-wagas

Ang pag-ibig ko sa iyo

Huni ng ibon, kahit kay tamis

Nawawalang himig, tunog ay hapis

Ang kaligayahan kapag umalis

Wagas naiiwa’y paghihinagpis

Kahit alaala ay may wakas

Tulad din ng paglimot mo

Buhay ng alaala ang siyang lakas

Ng pag-ibig ko sa iyo

Sugat ng puso, patak ng ulan

May wakas din, kung kaya ay kailan

Wakas kong pag-ibig, kung magwawakas man

Kapag nagwakas na ang kailanman

Kapag nagwakas na ang kailanman.

TOP

 

real.gif (626 bytes)BULAKLAK(Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

KORO:

Bulaklak, ang ganda ng bulaklak

Ang bango ng bulaklak

Dulot sa ‘tin ay galak

Kung ika’y nalulungkot

At wala kang kaibigan

Puso mo ay may sandigan, bulaklak

Mapapawi ang kirot

Paghapyos mo ng talulot

Ay ginhawa ang siyang dulot, bulaklak

(Uliting ang Koro)

Kung ika’y nagmamahal

Ay di kayang mamutawi

Ang pag-ibig sa ‘yong labi, bulaklak

Kung may karamdaman ka

At kailangan ang paglingap

Di ba’t pang-alis ng hirap, bulaklak

(Ulitin ang Koro 2x)

Mayroon bang hihigit pa

Kung ika’y magpapatawad

O siyang hihingi ng tawad, bulaklak

Pa’no na itong mundo

Kung ito’y mawawala pa

Sa hantunga’y siyang kasama, bulaklak

(Ulitin ang Koro 2x)

 TOP

 

real.gif (626 bytes)ANG TANGI KONG PAG-IBIG
           (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

1

Ang tangi kong pag-ibig

Ay minsan lamang

Ngunit ang iyong akala

Ay hindi tunay

2

Hindi ka lilimutin

Magpakailan pa man

Habang ako ay narito

At may buhay

KORO:

Malasin mo’t nagtitiis

Ng kalungkutan

Ang buhay ko’y unti-unti

Nang pumapanaw

Wari ko ba, sinta

Ako’y mamamatay

Kung di ikaw ang kapiling habang buhay

(Ulitin ang 2)

(Ulitin ang Koro)

 TOP

 

real.gif (626 bytes)NAAALALA KA(Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Kay sarap ng may minamahal

Ang daigdig ay may kulay at buhay

At kahit na may pagkukulang ka

Isang halik mo lang limot ko na

Kay sarap ng may minamahal

Asahan mong pag-ibig ko’y tunay

Ang nais ko’y laging kapiling ka

Alam mo bang tanging ligaya ka

KORO:

Sa tuwina’y naaalala ka

Sa pangarap laging kasama ka

Ikaw ang alaala

Sa ‘king pag-iisa

Wala nang iibigin pang iba.

TOP

 

real.gif (626 bytes)KAPALARAN (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

real.gif (626 bytes)

Bakit ba ganyan

Ang buhay ng tao

Mayro’ng mayaman

May api sa mundo

Kapalaran kung hanapin

Di matagpuan

At kung minsa’y lumalapit

Nang di mo alam

O bakit kaya

May ligaya’t lumbay

Sa pag-ibig

May bigo’t tagumpay

Di malaman, di maisip

Kung ano’ng kapalaran

Sa akin ay naghihintay.

 TOP

real.gif (626 bytes)MAHIWAGA(Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Mahiwaga ang buhay ng tao

Ang bukas ay di natin piho

At manalig lagi sana tayo

Ang Diyos siyang pag-asa ng mundo

Pag-ibig sa ‘ting kapwa tao

At laging magmahalan tayo

‘Yan ang lunas at ligaya

At pag-asa ng bawa’t kaluluwa

(Ulitin lahat)

‘Yan ang hiwaga ng buhay ng tao.

 TOP

 real.gif (626 bytes)HANDOG (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Parang kailan lang

Ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin

Dahil sa inyo

Napunta ako sa aking nais marating

Nais ko kayong pasalamatan

Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang

Halos ako ay magpalimos sa lansangan

Dahil sa inyo

Ang aking tiyan at ang bulsa’y nagkalaman

Kaya’t itong awiting aking inaawit

Nais ko’y kayo ang handugan

KORO:

Tatanda at lilipas rin ako

Ngunit mayro’ng awiting

Iiwanan sa inyong alaala

Dahil minsan, tayo’y nagkasama

Parang kailan lang

Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan

Dahil sa inyo

Narinig ang isip ko at naintindihan

Dahil dito’y ibig ko kayong ituring

Na matalik kong kaibigan

(Uliting ang Koro 2x)

Kahit minsan may naialay sa inyo.

  TOP

 

real.gif (626 bytes)MAHAL (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Mahiwagang kasaysayan ito

Alaala ng mundo ay wasto

Mga lihim ay isasalaysay

Nang sumapit ang liwanag

Aking mahal

Pinagpalang lupa ng Maykapal

Palaruan ng diwata at diyos

Waring pusod na siyang pinagmulan

Balikan ng iyong malaman

Islang mahal

Mga araw na tigib ng galak

Mga bukid na namumulaklak

Takipsilim na mistulang bango

Gunita ng nakalipas

Islang mahal

(Instrumental)

Daigdig ay siyang sariling likha

Buhay man ay siyang sariling katha

Kung ano ang siyang nasa isipan

Ang tadhanang aabutan

Aking mahal

Mahiwagang kasaysayan ito

Alaala ng mundo ay wasto

Mga lihim ay isasalaysay

Nang sumapit ang liwanag

Islang mahal.

 TOP

 

real.gif (626 bytes)KAY GANDA NG ATING MUSIKA
           (Recording by:  Ms. C. Davide Ong)

 

Magmula nung ako’y natutong umawit

Naging makulay ang aking munting daigdig

Tila ilog pala ang paghimig

Kung malalim damdami’y pag-ibig

Kung umapaw ang kaluluwa’t tinig

Ay sadyang nanginginig

Magmula nung ako’y natutong umawit

Bawa’t sandali’y aking pilit mabatid

Ang himig ng maituturing atin

Mapupuri pagka’t bukod tanging

Di marami ang di magsasabing

Heto na, inyong dinggin

KORO:

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika

Kay ganda ng ating musika

Ito ay atin, sariling atin

Magmula nung ako’y natutong umawit

Nagkakulay muli ang aking paligid

Ngayong batid ko na ang umibig

Sa sariling tugtugin o himig

Sa isang makata’y maririnig

Mga titik nagsasabing

(Uliting ang Koro)

 TOP

 

real.gif (626 bytes)MAHAWI MAN ANG ULAP
          (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Mahawi man ang ulap

Di ko matitiyak

Kung laging mayroong bughaw

Ka pang matatanaw

At sa umaga’t hapon ba’y

May araw bang sisikat

Sa gabi naman kaya’y

May talang kikislap

Habang sinasariwa

Dati mong mga pangarap

KORO:

Sundan ang bahaghari

Sa kanyang hangganan

Baka doo’y sakali

Ulap mo’y magpaalam

Ang pag napawi na’ng

Sanhi ng kapanglawan

Muling buksan ang pusong

Bihag sa karimlan

Kayanin mong limutin

Luha ng nagdaan

Ba’t mo pa iisipin

Ang dating sumpaan

‘Sanlibo’t ‘sang kasawian

Pasan mo habangbuhay

Kung di mo ngingitian

Dinanas na lumbay

Ulan ay mahahawi

Kahit na paminsan-minsan

(Repeat Koro except last two lines)

Muling buksan ang puso

Muling sundan ang araw

Hawiin mo ang ulap ngayon.

 TOP

 

real.gif (626 bytes)SANA AY IKAW NA NGA (Recording by:  Ms. Christiane Davide Ong)

 

Anong kailangan kong gawin

Upang malaman mo

Ikaw ay minamahal ko

Kailangan ko’y katulad mo

Sa buhay kong ito

Nag-iisa lang sa mundo

Dati’y nasaktan na ‘ko

Takot nang magtiwala

Ayoko na sanang umibig pa

Ngunit ika’y ibang-iba

Sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga

Anong kailangan kong gawin

Upang matigil na

Ang kabaliwan kong ito

Sumpa ko sa sarili’y

Hinding-hinding hindi na

Ngunit heto na naman ako

Hindi na papipigil pa

At di na paaawat

Sinisigaw na ang pangalan mo

Ikaw talaga’y ibang-ibag

Sa lahat ng nakilala

Sana ay ikaw na nga.

TOP

Back to Tagalog Songs
Back to Tagalog Home Page