Mga Halimbawa ng Salawikain
Nasa Diyos
ang awa,
nasa tao ang gawa.
Kapag ang tao'y matipid,
maraming maililigpit.
Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Ang hindi napagod
magtipon, walang
hinayang magtapon.
Madali ang maging tao, mahirap
magpakatao.
Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
Ang gawa sa pagkabata, dala
hanggang pagtanda.
Pag di ukol,
ay di bubukol.
Kung sino ang
masalita
ay siyang kulang sa gawa.
Daig ng maagap ang
taong masipag.
Ako ang nagbayo
ako ang nagsaing saka ng maluto'y
iba ang kumain.
Ubus-ubos
biyaya, pagkatapos
nakatunganga.
Tagalog
Home Page |
NENA y TINITA
ni Juan Luna
1897
Ang mga SALAWIKAIN
ay pamana at kalinangan ng lahi
na hindi dapat ipagsawalang-bahala at ibaon sa limot.
|
Proverbs or sayings
are part of one's cultural heritage
which should not be
taken for granted nor forgotten.
|
Ang mga salawikain o kawikaang Pilipino
ay mabuting hanguan
ng impormasyon hinggil
sa matatandang kaugalian,
paniniwala, asal, at gawi.
|
Filipino proverbs
are good sources
of information about
old traditions,
beliefs, customs, and ways. |
Ang mga ito'y mga tagapagmansag
ng mayamang tradisyon ng lahing Pilipino:
maaaring maging gabay sa pamumuhay,
patnubay sa pakikipagkapwa, at suhay sa
pakikilaban sa karahasan ng buhay.
|
They also serve as guardians
of the rich Filipino tradition:
they could serve as guide to living,
advice on social relations, and encouragement
in facing life's harsh realities. |
Ang mga pangunahing layunin
ng mga salawikain
ay ang pangangaral
o kaya'y ang pagsasabi ng
katotohanang hindi mapasusubalian.
|
The main purpose
of proverbs
is to teach
or to tell
truths that cannot be doubted. |
Ang
mga Pilipino
ay may sariling kalipunan ng salawikain.
Kung saan, paano, at sino ang
nagpasimula ng mga ito
ay walang makakapagsabi.
Marahil ang ilan ay dala rito ng mga dayuhan.
Ang iba ay pamana ng mga
ninunong Pilipino na nagpalipat-lipat
sa mga labi ng salinlahi.
|
Filipinos
have their own collection of proverbs.
Where, how, and who started
these sayings
nobody knows.
Perhaps some were brought
by foreigners.
Others are part of the inheritance of
Filipino ancestors
that were passed on from
the lips of various generations. |
Ang salawikain ay
nasasa berso, maaaring may sukat,
at kadalasa'y may tugma.
Ito ang dahilan
kung bakit madali itong maisaulo
ng bata't matanda.
|
A proverb is
a verse, may have specific number of lines, and most of the time has rhyme.
This is the reason why
it is quite easy to memorize
by young and old alike. |
The
introduction and selections of proverbs
on this page were taken from
CRISTINA S. CANONIGO's
Mga Bugtong, Salawikain, Sawikain at mga Tula (Book I)
Copyright @1996, Cebu City, Philippines.
Back to Tagalog Home
Page |