HULAAN
ANG SAGOT
Nakayuko ang reyna
di nalalaglag ang korona.
(ANSWER)
Nakatalikod na ang
prinsesa, mukha niya'y nakaharap pa.
(ANSWER)
Isang reynang maraming mata
nasa gitna ang mga espada.
(ANSWER)
Heto na si Ingkong
nakaupo sa lusong.
(ANSWER)
May isang prinsesa
nakaupo sa tasa.
(ANSWER)
Ate mo, ate ko,
Ate ng lahat ng tao.
(ANSWER)
Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
(ANSWER)
Hinila ko ang baging
nag-iingay ang matsing.
(ANSWER)
May puno walang bunga
may dahon walang sanga.
(ANSWER)
Lumuluha walang mata
lumalakad walang paa.
(ANSWER)
Buto't balat
lumilipad.
(ANSWER)
Mataas kung nakaupo
mababa kung nakatayo.
(ANSWER)
Tungkod ni apo
hindi mahipo.
(ANSWER)
Eto na ang magkapatid
Nag-uunahang pumanhik.
(ANSWER)
Dalawang batong itim,
malayo ang nararating.
(ANSWER) |
SARANGGOLA
ni Mario Paral
1979
|
Ang BUGTONG
ay isa sa mga kayamanan ng panitikang Tagalog.
Ang pag-uugali, kaisipan, pang araw-araw na buhay
at katutubong paligid ng mga Pilipino
ay nailalarawan sa pamamagitan ng bugtong.
Ang bugtungan ay isang katutubong laro ng isip
na karaniwan sa Pilipinas.
(RIDDLE is one of the wealth of Tagalog literature.
The custom, thought, everyday life, and native environment
of the Filipinos are pictured by means of riddles.
Answering riddles is a native game of the mind common in the Philippines.)
The introduction and selection of riddles on this page are from
CRISTINA S. CANONIGO's
Mga Bugtong, Salawikain, Sawikain at Mga Piling Tula
(Book I and II),
Cebu City, Philippines
1996
Back
to Tagalog Home Page |