ANG PAG-AARAL NG ISANG WIKA |
(Source: Ramos, T.V.
& Goulet, R. M. (1981) Intermediate Tagalog: Developing Cultural Awareness
through Language, University of Hawaii Press: Honolulu)
Ang pag-aaral ng isang wika ay madali sa ilang tao at napakahirap sa iba. Sino ang nahihirapan at sino ang nadadalian?
Ang nahihirapan ay mga taong mahiyain at mahina ang loob. Ayaw nilang magbukas ng bibig dahil natatakot magkamali. Ayaw nilang mapintasan ang maling pagbigkas o maling pagsasamasama ng salita. Hindi sila magsasalita hangga't sa palagay nila ay tamang-tama na ang sasabihin nila.
Ang nadadalian ay ang hindi nahihiyang magkamali. Kahi't balu-baluktot, pinipilit nilang magsalita. Malakas ang kanilang loob.
Madali ring matuto ang mga taong mahilig makipagkaibigan. Dahil gusto nilang makipagkaibigan sa mga mamamayan ng bayang kanilang binibisita, nagsasalita sila sa salitang banyaga. Kahit a la "ako Tarzan, ikaw Jane."
Anong uri ng mag-aaral (estudyante) kayo?
Back to Learning Tagalog on this Site
Back to Tagalog Homepage
Go to Thematic Lessons