Propesyon o Katungkulan
Sa lipunang Pilipino, ang kalagayan ng isang
tao sa lipunan ay karinawang nakakabit sa propesyon o katungkulan. Ang edukasyon
ay mahalaga sa kulturang Pilipino, kasingtulad din ng maraming mga bansang
Asyano, dahil ito’y itinuturing na pasaporte sa pagunlad ng kalagayan sa lipunan.
Ang tiyak na halimbawa ay ang nakakuha ng diploma sa kolehiya sa medisina,
abogasya, inhinyero, at mga iba pang larangan na makakapaglagay ng titulo sa
kanyang pangalan ay hirang sa karamihan ng mga pamilyang Pilipino. Sa totoo, ang
katutuwaan ng mga magulang ay naihahayag sa mga pananalitang Tagalog kapag
nakatapos na ng kolehiyo ang lahat ng kanilang anak, katulad ng “natapos din ang
lahat,” nagkadoktor din ako, o nagkaroon ako ng abogado. Kahit na anong
paghihirap, ang mga Pilipino ay handa at nagpupursiging magsakripisyo para
makatapos lamang ang kanilang mga anak sa kolehiyo.
Ang mga propesyonal katulad ng mga guro, mga tagaturo, doktor, inhinyero, at
paminsan-minsan ang mga abogado ay iginagalang sa Pilipinas. Sa kabilang ibayo
naman, ang mga taong nahahalal sa mga posisyong pulitika, katulad ng alkalde,
gobernador, kongresista, senador, o maging ang presidente, ay karaniwang
tinitignan na ‘di marangal dahil sa pangkaraniwang paningin na lahat ng mga
pulitko ay karaniwang nalalagyan o nasusuholan. Ito ay batay sa patron-clienteng
pagsasama na nagiging katangian ng pulitikang Pilipino. Madalas, ang mga
nahahalal ay nakikita ng mga Pilipino na sila’y para sa pagunlad ng mga sarili,
mga angkan o pamilya kaysa sa pagpapabuti ng bayan. Pero ito’y ‘di laging
naglalahad na walang tapat na pulitiko sa bansa na puwedeng ilagay ang kalagayan
ng bansa sa ibabaw ng kanilang mithi.