Pagbati para sa mga Pilipino
Ang pinakakaraniwang pagbati ng mga Pilipino
ay “Saan ka pupunta?” (Where are you going?) o “Saan ka galling?” (Where have
you been?).
Maaaring ipinalalagay ng mga dayuhan ang mga katanungang ito bilang sobrang
pakikialam, pero ang totoo, ang mga tanong na ito ay kapantay ng “hello” o “how
are you” sa Ingles. Ang mga sumasagot sa mga pagbati na ito ay hindi kailangang
sabihin kung saan talaga sila pupunta o kung saan sila nangaling. Tama na ang
sagot na katulad ng “diyan lang” (“over there” or “just there”).
Ang isa pang kilalang pagbati, “Hoy!”, ay pwedeng isalin sa Ingles bilang “Hi!”.
Ginagamit din ito bilang isang pagapansin katulad ng “Hey!” sa Ingles. Pero
kahit kilalang-kilala itong pagbati, hindi dapat gamitin ito sa mga pormal na
kalagayan o sa mga tao ay karaniwan na kailangang bigyan ng paggalang.
Mga Karaniwang Sagot
Talagang masaya ang mga Pilipino. Kahit kung may maraming problema sa buhay,
madali pa rin sa mga Pilipino ngumiti at makita ang kagandahan ng buhay. Malinaw
ito sa mga karaniwang pagbati ng Tagalog na hinahatid ang mga mahahalagang
mensahe. Halimbawa, ang pagbati na “kumusta ka na?” (mula sa Espanyol, “como
esta?”) ay hindi lamang nagtatanong tungkol sa kalagayang pisikal ng tao, kung
hindi sa panlahat ang buhay. Ang karaniwang sagot sa mga ganitong tanong ay
“mabuti naman” (good or fine), pero marami pang maaaring kasagutan dito.
Halimbawa, pwedeng gamitin ang mga kasabihan kagaya ng “nakakaraos naman”
(barely surviving), “buhay pa” (still living), o “heto, mahirap pa rin” (here,
and still poor). Maaaring ipakahulugan ang mga kasabihan na ito bilang
pasalansang, pero hindi kinakailangan totoo ito. Ang kulturang Pilipino kasi, ay
kinakailangan maging mapagpakumbaba sa pagsasalarawan ng mga buhay nila, kahit
kung walang problema sa buhay. Ganon din, kahit mayroon talagang problema sa
buhay, mas maganda sa kulturang Pilipino na hindi muna yan ilabas sa harapan ng
mga tao, kundi dapat sabihin lang na tama ang lahat.
Sa culturang Pilipino, taguhin ang tunay na kalagayan ng buhay ay isang paraan
para maiwasan ang hiya, lalo sa mga taong hini kaibigan o kamaganak. Maging
misiyadong hayagan tungkol sa buhay sa harapan ng mga taong di’kilala ay isang
kabawalan sa culturang Pilipino, dahil baka makaroon ng tsismis. Ganon din,
kahit maganda ang kalagayan ng buhay ng tao, hindi din dapat ipagmamalakihan ito.
Kung ipinaghahambog ng tao ang kayamanan niya, ang tawag sa kanya ay mayabang.
Ang kabiligtaran nito ay tawag mapakumbaba kung ang tao ay nananatili mababang
loob sa kabila ng kanyang kayamanan.
Isa pang panig ng sapilitang wikang Tagalog ay ang paggagamit ng “po” at “ho” sa
mga taong mas matanda, mas mataas, o sa mga taong di’kilala. Kahit walang “po”
sa pananalita ng mga matanda, mataas, o sa mga paguusap ng mga kapantay na tao,
sapilitang iyan sa wika ng mga taong barrio….
Sa kulturang Pilipino, ang paglihim ng tunay ng kalagayan ng buhay ay isang paraan para maiwasan ang kahiyaan lalo na sa mga taong hindi naman kaibigan o kamag-anak. Ang pagpapahayag ng tunay na kalagayan sa buhay ay isang kabawalan sa mga Pilipino. Maaring ito ang maging puno ng tinatawag na “tsismis.” Kung ipinaghahambog ng isang tao ang kayamanan niya, ang tawag sa kanya ay mayabang. Sa kabilang dako naman, kung ang isang Pilipino ay mananatiling mababang loob sa kabila ng kanyang kayamanan, ang tawag sa kanya ay mapagkumbaba.