Pasalubong
Sa kulturang Pilipino, ang pagbigay ng pasalubong ay isang paraan na magpakita ng pagintindi sa mga kamaganak, kaibigan, o katrabaho, lalo naman kung matagal hindi nakakita. Ang pasalubong ay isang tanda o simbolo ng pagaalala ng tao para sa kanyang mga kapamilya at mga matalik na kaibigan. Pwede maging simpleng bagay lang galing sa ibang lugar, katulad ng mga paglagyan ng mga susi, mga aklat, bulpen, o kahit ano. O maaaring maging isang mahal na regalo, kagaya ng relo, alak, o pabango. Nagbibigay ang tao ng pasalubong kung umuwi siya pakatapos ng matagal na trabajo sa ibang bansa, o isang maiksing bakasyon, o kahit isang simpleng biyahe lang sa Pilipinas.
Kung nakalimutan ng taong magdala ang pasalubong, mararanasan niya ang tampuhan ng mga kamaganak at kaibigan na inaasa ng pasalubong. Akala kasi nila na hindi sila mahalaga, o hindi sila mahal ng taong umuwi. Mararamdaman ng tao ang pagtampuhan kung akala nila hindi sila pinapansin o hindi sila binibigyan ng kahulugan. Karaniwang, nagaganap ito kung hindi inimbitihan ang tao sa salu-salo ng isang matalik na kaibigan; kung huminig siya ng tulong at hindi siya binigyan; o kung wala siyang nakatanggap na tarheta, regalo, o kahit tawag sa kaarawan niya. Ang panunuyo ay isang paraang ayosing ang pagtatampo ng taong nasasaktan. Maaaring manunuyo ang tao sa pamamagitan ng mga regalo, sorbete, pakain, o kahit ng paghingi ng tawad lang kasama ng pangako na hindi siya makalimutan ulit.
Ang mga karaniwang pasalubong sa kulturang Filipino:
- Mga pakain sa lata o tapyan, o mga kendi kagaya ng mga tsokolate
- Mga laruan o electrónikos
- Mga aklat
- Mga bulpen, paglagyan ng mga susi, o mga lapis
- Mga larawan at alaala galing sa ibang bansa
- Kape, tsaa, etc…
- Mga alahas, relo, quintas, singsing
- Mga bagay pang babae (kulay sa mukha, pabango, pitaka)
- Mga bagay panglalaki (alak, korbata, sinturon)
- Mga bagay pambata (laruan, kendi, aklat)