Why Filipinos Celebrate
Hiniram ng wikang Tagalog ang mga pangalan ng mga araw sa linggo, mga buwan sa taon, at ng mga numero na petsa mula sa wikang Kastila. Gayunman, sa Tagalog, binabaybayan ang mga araw at buwan bilang nararapat na pangalan; na palakihin ang unang letra. Itong kinagawian ay isang kamanahan mula sa mga Amerikano. Sa pagsusulat ng mga Petsa, sumusunod ang wikang Tagalog/Pilipino sa paraan ng mga Amerikano, kung saan mauna ang buwan at susunod ang araw at taon – halimbawa, ang pormal na pagsusulat ng January 1, 2000 sa Tagalog/Pilipino ay Enero 1, 2000.
Sa Pilipinas, maraming mga mahahalagang araw, or mga piyestang opisyal ang ipinagdiriwang. Ang Kalayaan ng Bayan ay idinaraos sa ika-labing dalawa ng Hunyo sa bawat taon (at hindi sa ika-apat ng Hulyo, ang araw na binigay ng mga Amerikano ang kalayaan sa Pilipinas sa 1946). Nagdiriwang ang mga Pilipinong Kristiano ng Santo Semana, habang nagdiriwang ang mga Pilipinong Moro ng Ramadan. Ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong taon ay Pasko. Karaniwang, nagsisimula ang pagdaraos ng Pasko sa Septyembre o sa pagsisimula ng mga “’ber’-months” (September-December). Sinabi nila na ang pinakamhabang pagdiriwang ng Pasko ay naggaganap sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa Septyembre at tutuloy ang pagdaraos hanggang sa ika-anim ng Enero, ang tinatawag na araw ng Tatlong Hari.
Ang mga mahahalagang araw na pangilin at mga pagyayari sa Pilipinas:
- Bagong Taon (Enero 1)
- Araw ng Tatlong Hari (Enero 6)
- Araw ni Santo Valentino (Pebrero 14)
- Santo Semana (Marso o Abril)
- Araw ng Kalayaan (Hunyo 12)
- Araw ng Patay (Nobyembre 1)
- Araw ng mga Bayani ng Bayan (Noviembre 30)
- Pasko (Disyembre 25)
- Araw ni Jose Rizal (Disyembre 30)
- Gabi ng Bagong Taon (Disyembre 31)
Maliban sa mga mahahalangang araw nakalista sa itaas, mayrong mga iba pang pagdiriwang kagaya ng mga piyesta sa barrio, bagong taon ng mga Intsek, at mga espesal na piyesta sa iba’t bang bayan (eg. Araw ng Maynila sa Hunyo 24 at Araw ng Lunsond Quezon sa Augusto 19).