anabnr2.gif (8408 bytes)

Ang Pagkaing Pilipino
Source:  Ramos, T. V. and Goulet, Rosalina, M. (1981).  
Intermediate Tagalog:  Developing Cultural Awareness through Language.  
University of Hawaii Press:  Honolulu.

TASK AS YOU READ THE TEXT: Read the text and write a Paraphrase Translation of  the text.  In Paraphrase Translation, students write up an abbreviated version of a source text and turn it into a complete translated text at home for discussion in class.

Translation Articles   Word Frequency Program   Discussion Forum     Concordance Program
Interlinear Translator   Dictionary   
Grammar Lessons

anarule.gif (1534 bytes)

laing_bicol.jpg (23267 bytes)

Masasabing ang kultura ng isang bansa ay nalalarawan sa kanyang lutuin. Ang taal ng pagkaing Pilipino ay payak. Pero ito ay nadadagdagan na ng mga putaheng kastila at Tsino., Amerikano at Bumbay. Liban pa rito, bawat rehiyon o probinsiya ay may kani-kaniyang espesyal na luto at panlasa. Mayroon ding kaibhan ang pagkaing pang arw-araw at pagkaing panpista.

Di masyadong palakain ng karne ang mga Pilipino. Marahil dahil sa dami ng uri at yaman ng ani mula sa dagat. Karamihan ng katutubong putahe ay uko sa isda, alimango, talaba at hipon. Sinasabing ang mga pagkaing-dagat na mula sa tubig ng Pilipinas ay isa sa pinakamalinamnam sa mundo. Dalawa ang pinatampok na isda sa arkipelagong ito: ang bangus at ang lapu-lapu.

Ang tradisyonal na putahe sa pista ay litson. Karaniwan nang iniihaw ito sa araw mismo ng kasayahan. Tinutusok ng kawayan ang kinatay na baboy at pinapaikut-ikot sa ibabaw ng nagbabagang uling. Ang atay ay ginagawang salsa. Umaabot nang walo hanggang sampung oras ang paglilitson ng baboy kaya isang malaking okasyon ang paghahanda nito.

Mahilig rin sa gulay ang mga Pilipino.  Ginagamit nila itong pansahog sa baboy at karne, at kung minsan ay bilang pinakatampok na putahe. Kapag sa huli. ginigisa itong kasama ng piraso ng baboy at hipon. Marahil ang pinkatanyag na putaheng gulay ay ang pinakbet ng mga Ilokano.

Ang mga katutubong panghimagas ay gawa sa giniling na bigas, mais, ube o kamote. Minamatamis rin ang ilang mga prutas na tulad ng saging, santol, langka at iba pa. Makikita sa panghimagas ang impluwensiya ng kastila. Karamihan sa nga putaheng ginagamitan ng itlog at gatas ay halaw sa lutuing kastila, tulad ng leche flan, braso de mercedes, at pastillas. Mayroon ding tinatawag ng halu-halo ang mga Pilipino. Ito'y iba't - ibang pinagsamang prutas at gulaman na may kinaskas na yelo, gatas, at asukal.

Mula sa Tsina, nakuha ng Pilipino ang pansit bagamat ang pagluluto nila rito ay may kaibhan. Mayroon din namang pagkaing Amerikano sa lutuing Pilipino. Ang pinakakaraniwan dito ay ang bistik --maninipis na hiwa ng karne na may toyo at kalamansi at pinirito at sinahigan ng sibuyas.

Masasabi ngang nilalarawan ng lutuing Pilipino hindi lamang ang kanyang kulutra kundi pati na ang kanyang kasaysayan.

Back to Lesson 8
Back to Thematic Lessons

Back to Translation Default Page
(right click to open link in a new window)