![]()
Ang Talinghaga ng Taga-tinda
DOON PO SA NAYON(06/08/2002) ni Sen.Juan M. Flavier
Pilipino STAR Ngayon
TASK AS YOU READ THE TEXT: Read the text and write a Paraphrase Translation of the text. In Paraphrase Translation, students write up an abbreviated version of a source text and turn it into a complete translated text at home for discussion in class.
Translation Articles Word Frequency Program Discussion
Forum Concordance Program
Interlinear
Translator Dictionary Grammar Lessons
![]()
Ang anak ng magsasaka ay masipag at alisto. Nang magtapos sa
high school, ayaw nang magpatuloy ng pag-aaral kaya naglayas at nagtungo sa bayan para
maghanap ng trabaho kahit tutol ang mga magulang.
Maganda ang kanyang tindig at maamo ang mukha kaya alam niyang siya ay madaling
matatanggap sa trabaho. Isang botika ang kanyang pinag-aplayan para maging tindero.
Marami ang nakapila sa botika at isa-isang iniinterbiyu ng may-ari. Nang interbyuhin ang
binatilyo ay kaiba ang sagot niya. Gusto ko pong magtrabaho sa inyong botika
Sir. Marami akong kaalaman sa pagtitinda ng gamot. Pauunlarin ko ang inyong
botika.
Natanggap siya bilang tindero.
Pagkaraan ng tatlong buwan ay pumunta ang binatilyo sa kalapit na tindahang may telepono
at tumawag sa sariling botikang pinagtatrabahuhan at kinausap ang may-ari.
Nagtanong ang binatilyo, "Kailangan po ba ninyo ng tindero sa inyong
botika?
Hindi na dahil may nakuha na akong tindero, sagot ng may-ari.
Kamusta naman ang inyong tindero? tanong pa ng binatilyo.
Aba, masipag, magaling, magalang at mahusay magtinda ng gamot!"
"Salamat po, patapos ng binatilyo.
Takang-taka ang may-ari ng tindahang tinawagan ng binatilyo. Bago umalis ay tinanong ng
may-ari, "Hindi bat ikaw ang nagtatrabaho sa botikang tinawagan mo? Bakit
kinausap mo pa ang may-ari?
Maganda iyong nalalaman ko kung ano ang tingin sa akin ng aking
amo.
Back to
Lesson 9
Back to Thematic Lessons
Back to Translation Default Page
(right click to open link in a new window)