AESOP's Fables


INTRODUCTION

ANG LOBO
AT ANG
KAMBING

ANG UWAK
NA NAGPANGGAP

ANG ASO AT
ANG KANYANG
ANINO

ANG INAHING
MANOK AT ANG
KANYANG MGA
SISIW


Translation Syllabus 
Translation Tools
Tagalog Modules
Reverse Translation 
Literature Texts
Additional Texts
Translation Articles




 

AESOP's FABLES


philippine.sunbird.gif (19468 bytes)

Philippine Sunbird
image from
Vanishing Treasures of the Philippine Rain Forest
by Lawrence R. Heaney and Jacinto C. Regalado, Jr.

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

The introduction and selections of
Aesop's fables in Tagalog
were taken from

R. M. Custodio's Pabula: Isang Makabagong Koleksyon
,
© 1996, True-Copy Publishing House, Valenzuela,
Metro Manila, Philippines

To translate, use the translation tools on line.

Word Frequency Program    Discussion Group   Concordance Program    
Interlinear Translator   Dictionary

 

PANIMULA (Introduction)

Natatandaan ko noong bata pa ako, madalas akong kuwentuhan ng aking kapatid.   May isa siyang munting aklat na madalas basahin sa akin na naglalaman ng mga sari-saring kuwento tungkol sa mga hayop na nagbibihis at kumikilos na parang tao. 

Noon, hindi ko pa alam na PABULA (fable) pala ang tawag sa mga kasaysayang iyon.  Basta't pinapakinggan ko lamang sila habang isinasalaysay sa akin ng aking kapatid at tinatawanan sa mababaw nitong kahulugan.   Ang hindi ko alam, ang mga kasaysayan palang iyon ays isang buhay na pangaral base sa tunay na pag-uugali at pamumuhay ng mga tao.  Nang ako ay magka-isip, at saka ko lamang naunawaan ang lahat.

Napag-alam kong nasa mga pabula pala ang mga simpleng aral sa buhay na madalas maging solusyon sa mga problemang madalas nating harapin.  Tulad ng mga sumusunod:

Ang Lobo at ang Kambing (The fox and the goat)

-- Huwag magpapaloko. (Don't allow yourself to be deceived.)
Ang Uwak na Nagpanggap (The pretending crow)

-- Huwag itago ang totoong pagkatao. (Don't pretend to be what you are not.)
Ang Aso at ang Kanyang Anino (The dog and his shadow)

-- Huwag maging sakim sa kapwa.  (Don't be greedy.)
Ang Inahing Manok at ang Kanyang Mga Sisiw (The hen and her chicks)

-- Huwag iasa sa iba ang trabahong nais isagawa.  (Don't expect other people to do the work for you.)

Ngunit higit sa lahat, sa pamamagitan ng mga pabulang iyon kung kaya't higit kong naunawaan ang aking sarili...at higit na nakilala ang aking pagkatao. 

Back to Top
Back to Tagalog Homepage


ANG LOBO AT ANG KAMBING

real.gif (626 bytes)Isang lobo  ang nahulog sa balon  na walang tubigSinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan

real.gif (626 bytes)Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing.   Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo.   "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. 

real.gif (626 bytes)Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon.  At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo.  "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo.  "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. 

real.gif (626 bytes)"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo.  Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." 

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing.  "Ako muna ang lalabas.  At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito.  "Sige," ang sabi naman ng kambing. 

real.gif (626 bytes)Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing.  Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." 

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.



Back to Top
Word Drag and Drop Quiz
Back to Tagalog Homepage

GLOSSARY

lobo -- fox
nahulog -- fell (fr.  hulog =  fall)
balon -- well (noun)
walang tubig -- no water, empty
sinikap tumalon -- tried to jump
maka-ahon palabas -- to get out of
lubhang malalim -- very deep
kinahulugan -- that's where it fell into


dumating -- came (fr. dating = come)
uhaw na uhaw -- very thirsty
kambing -- goat
lumapit -- to approach
narinig -- heard
tinig -- voice
pagsisinungaling -- lying, deceiving
sagot -- answer, response


nagdalawang-isip -- to have second thoughts
agad -- immediately
tumalon --  to jump
nalaman -- to know, to realize
niloko -- (past) was deceived
bilanggo -- prisoner
mamamatay -- will die
uhaw -- thirst
gutom -- hunger


makaalis -- to get out
magtulungan -- to help each other
naisip -- to think of something
paraaan -- means or way of doing something (fr.  daan = way)
papaano -- how
gagawin -- to do something

ipinatong -- to put something on top of a surface
paa -- feet
katawan -- body
muna -- adv. first (before something follows)
kapag -- if
saka -- then
hahatakin -- to pull
pangako -- to promise something
sige -- expression of agreement,  "okay!"

pagkakataon -- turn, opportunity, chance
pagkuwa'y -- then...
sinabi -- said (fr. rw sabi = say)
manloloko -- one who deceives
magpapaloko - one who allows himself to be deceived

malungkot -- sad
naiwan -- left alone


ANG UWAK NA NAGPANGGAP

real.gif (626 bytes)Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupaPinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon.  At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.  

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. 

real.gif (626 bytes)Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. 

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak.  Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.  

real.gif (626 bytes)Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"




Back to Top
E-mail Quiz
Translation Page

GLOSSARY

uwak -- crow
nakakita -- saw (fr. rw kita = see)
lagas -- fallen object
balahibo -- feather
pabo -- peacock
lupa -- earth, ground
pinagmasdan -- paid attention to, observed
nasiyahan -- became glad
kulay -- color
iba't ibang kulay -- various colors
taglay -- inherent quality
sawa -- fed up, bored, tired of something
itim -- black
ibon -- bird
pinulot -- to pick up something
idinikit -- to paste onto something
katawan -- body


iyon lang -- only that
dali-dali -- hurriedly, in a hurry
lumipad -- to fly
patungo -- towards
grupo -- group, flock
nagpakilala -- introduced one's self
bilang -- as
kauri -- of the same nature, belonging to the same species


kilala -- to know someone/something
nabisto -- to find out
nagkukunwari -- pretending to be something other than who he is


inalis -- to remove something
pinagtutuka -- to peck on something collectively or in unison
takot -- (adj) in fear
lumisan -- to go away, to leave


magbalik -- to return, go back to
tinanggap -- to accept someone/something
kailangan -- need, to be accepted
tulad -- like something/someone
pagmamahal -- love for someone/something
sariling anyo -- one's self



ANG ASO
AT ANG KANYANG ANINO


real.gif (626 bytes)Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupaTuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

real.gif (626 bytes)Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog.   Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino.  Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. 

real.gif (626 bytes)Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog.  Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.


Back to Top
Translation Page

GLOSSARY

aso -- dog
nakahukay -- was able to dig out
buto -- bone
lupa -- earth
tuwang-tuwa -- very happy
dali-daling -- hurriedly
hinawakan -- to grasp something
pamamagitan -- by means of
bibig -- mouth


dinala -- to carry something
iuwi -- to bring home
tirahan -- house
malapit -- close to something
napadaan -- to pass by
ilog -- river
pinagmasdan -- to observe something


sariling anino -- one's own shadow, reflection
pag-aakala -- to assume something
hawak-hawak -- to hold something
tinahulan -- to bark at something
maangkin -- to be able to get something
pag-aari -- owned by someone


humulagpos -- to set itself free, to fall
nahulog -- fell into something
tinangay -- to get carried away
agos -- flow (of water)
nakuha -- to be able to get something
sakim -- selfish, greedy

ANG INAHING MANOK AT
ANG KANYANG MGA SISIW



real.gif (626 bytes)Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais.  Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan!  Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

real.gif (626 bytes)Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

real.gif (626 bytes)"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok.   "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon!  May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok.  Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka. 

real.gif (626 bytes)"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina.  Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon!  May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan.  May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"

real.gif (626 bytes)Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok.  Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim.   Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

real.gif (626 bytes)Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"


Back to Top
Translation Page

GLOSSARY

inahin -- (fr. ina = mother) motherly
manok -- chicken
inahing manok -- mother hen
sisiw --  chick
naninirahan -- living (in a place), residing at
gitna -- middle
taniman -- field
mais -- corn, maize
lumabas -- (fr. labas = outside) to go out
bahay -- house
magsasaka -- farmer
may-ari -- owner
panahon -- time, connotes right time or day
anihin -- to harvest something
maisan -- cornfield
tawagin -- (fr. tawag = call)  to call someone
kapit -- short of kalapit = close
kapit-bahay -- (kalapit + bahay) neighbor
tulungan -- to help someone
pag-ani -- (noun form of anihin) harvest
bukas -- tomorrow


narinig -- (fr. tinig = voice) heard something
iminungkahi -- to tell someone about, suggest something
kailangan -- necessary, necessity
lumikas -- to leave a place for safety
humanap -- to find something
matatagpuan -- to be found out
magsisipag-ani -- harvesters
huhulihin -- to catch someone or something
upang -- in order to
patayayin -- to kill someone or something


mabahala -- to worry
anak -- child, children
wika -- to say, said
aasahan -- (fr. asa = hope) to rely on somebody or something
agad -- immediately
magsisipag-kilos -- (fr. kilos = act) to act, do, or work, literally to get up and work


tama -- right, correct, was not mistaken
sinabi -- that which was said
sapagkat -- because
kinabukasan -- the next day
dumating -- to come
tumulong -- to help someone


kamag-anak -- extended family members, or relatives
lalapit -- to seek, to approach
humingi -- to ask
tulong -- help
isasagawa -- (fr. gawa = work) that which will be done, work about to be done
dali-dali/dali-daling -- hurriedly
muli -- once again
nabahala -- to be worried about something
magsisipagsunod -- (fr. sunod = obey, follow) to be persuaded to follow or obey someone
trabaho -- (fr. Spanish trabajo) work
asikasuhin -- to attend to as priority
tiyak -- for sure, with certainty

napilitan -- was forced to do something
tawagin -- (fr. tawag = call) to call someone
bukas na bukas -- emphatic expression, signifies that something needs to be done by end of next day
lamang -- only
pananim -- plantation, crops
sarili -- one's self

nagdesisyon -- (fr. English decision) decided to do something
lumisan -- to leave a place
lugar --- (fr. Spanish lugar) place
gagawa -- to work or do something
maniwala -- to believe something
totoo -- true, valid, very likely
sinuman -- anybody
walang sinuman -- nobody