Iba't-ibang Katutubong Pananaw ng Etnikong
Maranaw |
Ni Imelda J. Dumaual, PhD
Vol. 5 No. 2 May 2003 (Vol. 1 No. 2 as on-line publication )
Faculty Journal of the College of Liberal Arts
De La Salle University-Dasmarińas
Cavite, Philippines 4115
Translation
Tools
(I-click ang link sa
itaas at may separate window na lilitaw kung saan makikita ang listahan ng lahat
ng translation tools na maaring magamit para sa dokumentong ito.)
Ang papel na ito ay munting ambag ng may-akda sa pagpapalitaw at pagpapalutang sa antas ng pambansang kamalayan tungkol sa mga kaisipang katutubo ng mga Filipino. Kinalap ng may-akda ang Darangan na siyang tanging mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa ating mga likas na kaisipan at katutubong pag-uugali, sapagkat ito ay kasama sa mga napag-ingatang kasulatan na buhat sa ating mga ninuno. Masasabing ito ay walang kasing-halaga para sa ating mga Filipino sapagkat ito ay munting salamin ng ating tradisyon. Ang orihinal nito ay nakasulat sa wikang Maranaw, kung kaya't iba't ibang katutubong pananaw ng etnikong Maranaw ang susuriin at hihimayin ng may-akda. Hindi siya nakakaintindi ng wikang Maranaw kaya't ito ay ibabatay niya ito sa Ingles na bersyon ng Darangan.
Noong 1977, nagkaroon ng seryosong pangangalap ng mga "kirim" (sulat-kamay sa Hindu-Arabic) ang mga mananaliksik buhat sa Mindanao State University Research Center sa pangunguna ni Sis. Ma. Delia Coronel. Tinipon nila ang mga ito at isinalin sa wikang Ingles ang may labintatlong awit o epiko sa tulong ni Hadji Lawa Cali na kanilang pangunahing resource person. Ayon kay Mamitua Saber, dekano ng Pananaliksik sa MSU Research Center, may nakatago at maipagmamalaking pangkulturang pamana ang mga Filipino sa kabila ng ating makabagong kultura at pag-uugali. Ang nabanggit na kultura ay nagmula sa mga Maranaw na nakatira sa pampang ng Lawa ng Lanao sa Mindanao. Ito ay ang mga katutubong paniniwala bago pa man nagkaroon ng relihiyong Islam. Ito na nga ang Darangan na may apat na bolyum na naglalaman ng labintatlong (13) awit o epiko na siyang kapupulutan ng mga katutubong pananaw ng mga Maranaw. Ang apat na bolyum ng Darangan ay inilimbag sa wikang Maranaw (orihinal) at ang salin naman nito sa Ingles ay nasa gawing kanan. Ang mga epikong binabanggit ay ang mga sumusunod:
Bolyum I. Naglalaman ng unang tatlong aklat ng epikong Maranaw
1. Paganay Kiyandato o Diwata Ndaw Gibon sa Iliyan A Bembaran
(The First Ruler, o Diwata Ndaw Gibon of Iliyan a Bembaran)
2. Kambembaran (Story of Bembaran)
3. Kapmadali (Story of Madali')
Bolyum II. Ang sumusunod na tatlong epiko4. Kapaesandalan a Morog sa Iliyan a Bembaran (Story of Pasandalan a Morog in Iliyan a Bembaran)
5. A. Kapagondoga (Story of Hurt Feelings)
B. Kaplombayowan a Lena (Story of Lombayowan a Lena)
Bolyum III. Ang tatlo pang aklat ng epikong Maranaw
6. A. Paramata Gandingan
B. Alongan Pasaeyanan
8. So Kiyaprawa'a Ko Lawanen (The Abduction of Lawanen) or
Kapmabaning (Story of Mabaning)
Bolyum IV. Ang pampitong aklat na kinabibilangan ng apat pang epiko:
7. Kaplomna
A. Kormatan Borodan
B. Minirigi a Rogong
C. Kaplaboway
D. Kiyatidawa i Lomna Ago so Kadaraan
Ang epikong Darangan ng mga Maranaw ay maaaring hindi lubusang kilala ng mga
mananaliksik ng mga katutubong literatura ng Pilipinas sapagkat nangangailangan
ito ng isang taong makapagsasaulo ng buong awit o tula o ng mga "onor" o
mang-aawit lalo na kung may okasyon.
Ang Darangan ay nakarating lamang sa mga taga-kanluran nang magkaroon ng ugnayan ang mga Amerikano at ang mga Moro noong 1902, nang ang isang Amerikano na si Major Ralp Porter ay natuto ng isang bahagi ng epiko ng Maguindanao sa may Ilog ng Rio Grande (Pulang River) sa Cotabato. Naisulat din ang isang epiko buhat sa Darangan sa Philippine High School Readers ni Camilo Osias, kaya marami na rin sa atin ang nakabasa nito (Saber, 1986:4).
Noong 1930, si Dr. Frank Laubach, isang misyonerong Amerikano ay nagsalin din sa anyong pamberso at pambayaning istilo ng Nataengkopan a Ragat "How Bantogen Died below the Mountain by the Sea" (Vol. 3 No. 8 No.v. 1930 pp. 359-373). Subalit nang magkaroon ng pangalawang digmaan, ay hindi na naituloy ang proyektong ito. Kaya lumipas ang maraming taon at dekada bago muling nabuhay ang pananaliksik tungkol sa nasabing mga "kirim" (hardwritten book) sa tulong ng mga taga MSU Research Center at ng mga matatandang may kinalaman sa pag-awit at pagbasa nito. Sinabi ni Sis. Ma. Delia Coronel sa kanyang pambungad sa Bolyum I na, ayon kay Hadji Lawa Cali, mayroong dalawang uri ng Darangan: darangan a mama at darangan a babai. Ang una ay inaawit lamang ng mga kalalakihan at ang pangalawa naman ay inaawit lamang ng mga kababaihan. Subalit sa ngayon diumano ay inaawit ang kahit alin man sa dalawang Darangan. Ang tinipon ng grupo nila ay ang darangan a mama at darangan a babai naman ang Maguindanao bersyon.
Sa pag-aaral na ito ay tutunghayan nang isa-isa ng may-akda ang mga nakapaloob na katutubong pananaw ng etnikong Maranaw sa apat na bolyum ng Darangan a mama. Hindi man siya marunong umawit ay bibigyan niya ng diin ang pagsusuri at pag-aanalisa ang mga ito upang ipahayag ang mga nakakubling pananaw ng mga Filipino. Kung ang mga Griyego ay may kinikilalang Iliad at Odyssey at ang mga Indian naman ay may Mahabharata at Ramayana ang Pilipinas naman ay mayroong Darangan.
Ang Darangan ay napakagandang awitin. Sa pag-awit nito, hindi lang matutuklasan ang mga paniniwala sa tonong (pamahiin) ng ating mga ninuno. Kasama din ang kahalagahang moral at ang mga magagandang kaugalian (tradition) ng mga Maranaw noong unang panahon. Iilan lamang ang nakababatid ng kahalagahan ng Darangan kahit na sa mga Maranaw sa ngayon. Subalit mayroon pa ring gumagamit ng Darangan lalo na kung may espesyal na okasyon. "Ang pagbibigay ng mga payo o pangaral ni Diwata Ndaw Gibon sa mga pinuno" ay na-uugnay (relevant) sa koronasyon ng bagong pinuno. Ibig sabihin ay marami pa ring nagbibigay-payo o pangaral sa mga bagong pinuno na kagaya ng ginawa ni Diwata Ndaw Gibon. Ang yaman ng mga salawikain at mga kasabihan ay nagpapainam o nagpapabuti sa isang mang-aawit o mambabasa ng Darangan. Ang pagbigkas ng mga linya buhat sa Darangan ng isang nakikipagkasundo sa pagpapakasal ay malaking bagay para sa kanya upang siya ay makilalang mabuti at matanggap. Ang pagsasama ng ilang linya buhat sa Darangan sa tula o talata ng isang kalahok sa isang paligsahan ay nakapagpapaganda at nakapagpapayabong ng kaisipan ng naturang kalahok.
Sa katunayan ang Darangan ay hindi binabasa kundi inaawit. Si Amái Sotrá ang unang mang-aawit nito at sa kanyang pag-awit ay para bang madadala ng espiritu sa langit ang sinumang nakarinig nito.
"Isang matandang mangingisda, isang gabing matahimik ang namamangka malapit pa sa kagubatan ng Pagadian ang nakarinig diumano kay Amái Sotrá sa kanyang pag-awit ng Darangan… (Darangan,1986:16). Siya ang nagsabing halos madala siya ng espiritu sa langit. Ang pag-awit ng Darangan - mula sa mabulaklak na mga linya, at sa makabagbag-damdaming pagbigkas sa mga ito ang nagbibigay kulay at halaga, lalo na kung maririnig natin ang malamyos na agos ng pagbigkas ng mga patinig at katinig ng isang magaling na Maranaw.
Inihahandog ang Darangan para sa
lahat ng Filipino upang ating mabatid at maunawaan ang tunay na kulay ng ating
tradisyon, ang mga kahalagahang moral ng ating mga ninuno para sa ating lubos
na pagkikilala sa ating mga sarili…
Buhat sa Ingles'na bersyon ng Darangan ay pinulot ng may-akda ang mga linyang nagtataglay o nagpapahiwatig ng mga bagay na mapagkikilanlan ng etnikong Maranaw. Sa mga linyang hinalaw mula sa may labintatlong (13) awit o tula ng Darangan ay binigyang-diin ang pagsusuri at pag-aanalisa sa mga ito upang ipahayag at ipaliwanag sa wikang Filipino ang mga kahalagahang moral o ang mga magagandang kaugalian ng mga Maranaw noong unang panahon.
Tunghayan nating muli ang apat na bolyum ng Darangan. Batay sa unang aklat ng Bolyum I - (Ang Unang Pinuno - Diwata Ndaw Gibon) - ang takbo ng pamumuhay ng mga "dugong bughaw" ay naiiba sa takbo ng pamumuhay ng pangkaraniwang tao. Bilang unang pinuno ng Bembaran ay kaakibat o kasanib na ni Gibon ang ilang naninirahan doon sa paglutas ng mga problema. Kailangan daw na maparami at mapalaki ang populasyon ng Bembaran, kaya isa sa mga pangunahing mamamayan doon na si Dinaradiya Rogong ang magalang na nagtanong sa mga "samar" o taong dagat-
For you would know, is there perhaps,
Somewhere, some country or people
Equal in beauty, wealth, power,
A land one completely settled
And blessed with a lovely maid,
Worthy to be wed with our lord,
Our Diwata Ndaw Gibon?
Tell us, for we are ready to
Give the treasures of Bembaran!(Vol. I lines 133-141)
Ipinahiwatig sa mga linyang ito ang pagka-etnosentriko ng mga Maranaw. Mataas ang tingin nila sa takbo ng buhay. Mag-aasawa lamang si Ndaw Gibon ng kapareho niya ang tema ng pamumuhay. Nakahanda silang magbigay ng "bigay-kaya" o "bride price" sa sino mang babaeng mapapangasawa niya. Ang pagbibigay nila ng ano mang yaman ng Bembaran para dawri sa babae ay isang lehitimong kaugalian ng ating mga ninuno.
Sa kanilang pagtungo naman sa bahay ng dalaga para manligaw - (courtship or value of women)
As soon as they had reached the place
They fired their cannon - provoking
The answering cannons from shore
.
(Vol. I lines 266-268)
Sa puntong ito ay masasabi nating naiiba ang mga Maranaw kaysa sa ibang etniko. Natatangi ang pamamaraan nila sa panliligaw: Kapag tinanggap na sila sa lugar ay tinatanong nila ang mga datu roon kung anu-ano ang kanilang kaugalian o kostumbre tungkol sa pag-aasawa para lalo silang magkaunawaan. At sa pamamagitan ng magandang usapan, ay nagkatuluyan sina Paganay Ba'i at Ndaw Gibon.
Si Diwata Ndaw Gibon bilang isang pinuno ay napakaresponsable sa kanyang tungkulin kaya ang sinabi niya:
"Oh my beautiful Bembaran,
So beautiful and developed
Yet with o such a few people
That less than ten families there
are found, aside from our brave men,
Living in our community!
And to add to its misfortune
I have left the place to itself,
I, myself, its only ruler!(Vol. I lines 314-322)
May sariling responsibilidad o obligasyon si Gibon, bilang pinuno ng Bembaran. Tapang at lakas ng loob ang makikita sa kanya. Bilang pinuno ng Bembaran ay nakahanda siyang harapin ang ano mang problema.
At nagpaalam sila sa kapatid ng asawa niya na si Miyangondaya Linog upang doon na manirahan sa Dasomalong a Tangkal (Bembaran). Bilang pagpapahalaga sa pamilya ng babae si Gibon ay magalang na nagpaalam.
"My dear friend and brother in law
Miyangondaya Linog,
If it would be in accordance
With your respected opinion,
We would like to go very soon
To Dasomalong a Tangkal
Because I would like you to know
That Bembaran is pitiful
Being beautiful and complete
But with a small population
Since less than ten families can
Be counted as now living there
And what is worse, I am absent,
Myself, its own reigning datu!"
(Vol. I lines 329-342)
Sa kanilang paglisan sa Minango'aw a Rogong maraming umiyak at nalungkot
But when the day came, countless
men and women were very sad,
Grieving openly as they cried,
Tears falling down fast like raindrops
on a stormy day, lamenting
This necessary departure.
(Vol. I lines 363-368)
Ipinahihiwatig dito ang kanilang kalooban sa isa't-isa.
Mahigpit na niyakap ni Miyangondaya Linog ang dalawa niyang pamangkin at siya ay nagbilin.
My two very dear boys, listen!
Now you to go another place
To Dasomalong a Tangkal.
I pray that our guardian spirits
Would keep your path free of hardships!
My own dear nephew, this I pray.
No sickness ever afflict you
So that you may enjoy long lives
And reach full manhood with success
This I wish for the two of you.And now let me give you your names
You, the elder boy, the first-born,
From today onwards, you'll be known as
Tominaman sa Rogong.
You shall control the whole ocean
You will not have an enemy
Since, of all people in the world,
You will be the most feared of all!As for you, my other nephew,
The younger but as dear to me,
I pray that our tonong guard you
May no misfortune befall you
As you grow up to full manhood,
Let all men hear that you are now
called Mangondaya Boisan
Be ever ready and never
Forget to defend, when needed,
Your birthplace, our own Minombaw.
And now, I will give to you both,
Dear nephews ,our precious agongs.
The Magandiya a Orang
And also this, the Rogongen,
Treasured heirlooms of Minombaw(Vol. 1 p. 30)
Ang pagbibigay ng pangalan sa isang bata ay naaayon sa kanilang mga paniniwala at pagiging maka-Diyos. Makikita rin natin dito kung paano sila magpalaki at mag-alaga ng mga bata.
Pati na rin si Aya
Paganay Bai, bilang kapatid ay pinagbilinan din -
Promise me that you will never
Turn against your own dear husband
But rather, do your best, give him
More honor and prestige so that
He will reach more heights in the sky
And bring more fame to Bembaran;
one thing more, my dearest sister,
The best way to live peacefully
In a strange land, especially
Where many are refined people,
Is to stay calm, no matter how
many things are said against you.
But keep all to yourself so that
Nobody will ever know how
You feel; you will be neutral pink -
Rather, like pleasing violet.
Try to speak well of everyone.
Things clear after a time,
As the truth will, by then, come out.
But if somebody insulted you
Or acted disrespectfully,
Thus, besmirching our noble name
And thereby disgracing us, too,
So that our honor, like a flag,
Is toppled down from its high pole,
Then, dear princess, you must decide
What to do, for if you do die
With this, even non-relative
Will mourn your honorable death"(Vol. 1 page 30-31)
Ipinahihiwatig sa mga linyang ito kung paano makikisama sa ibang tao. Maaaring dito tayo nakikilala na talagang mahusay makisama ang isang Filipino, hindi lamang sa mga asa-asawa, pati na rin sa ibang tao. Bukod pa rito, handang ipagtanggol ng Filipino ang kanyang kapurihan o karangalan kahit sa bingit ng kamatayan.
Sa kanilang pagdating sa Dasomalong a Tangkal - (Bembaran) ay nagkaroon ng malaking handaan.
After a long time of sailing
on the magic boat which move that fast
Over the smooth and tranquil sea,
The party finally arrived.
At the Bembaran River's mouth.
And as soon as this place was reached
Joyful sounds were heard from both sides
To announce big festival,
Which was immediately followed
By the opening rites. AS soon
As the royal party landed
And were lavishly welcomed, they
Were led to the grant torogan
Where, after they were brought upstairs
The dowry was there presentedThe reason for the festival
.
(Vol. I p. 31)
Bilang pagsalubong sa "Royal Family", lahat ay nagsaya at hindi nagtagal ang
lahat ay namuhay ng matiwasay ang mag-asawa at dalawang anak hanggang sa
makaisip si Gibon ng solusyon sa kung paano mapaparami ang populasyon ng
Bembaran. At naki-usap siya kay Aya Paganay Bai':
"My precious wife, so dear to me,
If you would consider it good
I propose to re-marry; yes
I myself, for it seems to be
a good move ; I know there are some
Far places in this vast region,
Like Kadoaongan a Lena
Famed for holding big festivals.
With a famous, noble datu
Name Dinarendaw Dinalong,
Who has a sister who is known,
As Walain Ditanongan
of Kadarangan a Lena'
Report has also reached me that
In Lombayo'an a Lena'
The people are progressive there
They have a high-born sovereign
Called Makalailay Lena
Who has a sister by the name
of Walain Dirimbangen
of Lombayo'an a Lena
Then I have also heard of this
Place, Bagombayan a Lena
Which has acquired fame quietly
There they have a royal ruler
Named Lomiyagendeng Linog
He has a sister known to all
As Walain Pitaegaman
of Bagombayan a Lena
There is also the kingdom known
As Songgiringa' a Dinar
An independent country, one
That has a high-born monarch known
As Ayoong Pakalilang
Whose sister is a grand lady
Named Walain sa Romentak
of Songgiringa'a Dinar
Then who has not heard, as I have,
of Minisalawo Ganding
AS rich as the sea in high tide
With its mighty, royal master
Called Miyangako Kenegen
and his equally rich sister
called Walain Mangongoba
of Minisalawo Ganding
If you give your consent, dear wife,
I shall marry all of them, thus
Linking us to these great domains,
If this plan of mine succeeds then
It shall bring much glory and fame
To Iliyan a Bembaran.(Vol. I p. 32-33)
Ang pag-aasawa ng marami ni Gibon ay hindi dahil sa relihiyong Islam, sapagkat and Darangan ay nauna pa kaysa relihiyong Islam sa ating bansa.
Ang maganda rito
ay masasabi nating palaisip ang ating mga ninuno, gumagalaw sila, mahal nila
ang kanilang bayan, trabaho at di sila humihinto hangga't hindi nalulutas ang
kanilang mga problema.
Masakit man sa babae, ito ay pinahintulutan din niya, sapagkat ang intensyon
naman ni Gibon ay para sa pag-unlad at paglaki ng populasyon ng Bembaran. At
isa pa, taglay natin ang dangal ng pagtitiis.
Bukod sa rito, mahigpit na ipinagbilin kay Aya Paganay Bai' ng kapatid nito na mahalin at sundin ang kanyang asawa, kaya, sa ganitong punto, masasabi nating mapagtiis at masunurin sila kahit gaano mang kabigat o kahirap ay kanilang gagawin.
Ganito ang ipinagbilin sa kanya ng kapatid nitong lalaki -
that she should not do
Anything that would bring sorrow
To her husband, but do her best
To help him achieve instead fame,
Such high fame as to reach the sky
And bring honor to Bembaran"(Vol. I p. 37)
Lahat ng ito ay napag-isip ni Aya Paganay Bai kaya maluwag na maluwag sa loob niya na payagan ang asawa na mag-asawang muli
Remarry again, you, yourself.
This act will not be against me,
My dearest husband, for, in fact,
You may go on as you have planned,
Remarry and get to court all
The Ladies from the far places.
I wholeheartedly approve it,
I myself, believe me, because
I do not want to hear ever
That Bembaran has not improved…(Vol. I p. 37)
Until - Gibon did not leave a place
until his new wife came along with him.(Vol. 1 p. 41)
Nagkaroon ng malaking selebrasyon sa Bembaran at sama-sama ang anim na asawa ni Gibon sa malaking torogan sa pangunguna ni Aya Paganay Bai'.
Masasabing ang magandang pagsusunuran ay maganda ring pagkakaunawaan ang kahihinatnan. Naging maayos at maganda ang kanilang pagsasamahan. At nagbunga rin ito ng maraming biyaya sa Bembaran. Nagkaroon ng limang anak na babae si Gibon sa kanyang lima pang naging asawa.
Isa pang naalaala ni Aya Paganay Bai' na habilin sa kanya ng kanyang kapatid ay - "Kung may sama ka ng loob sa kapwa ay kimkimin mo na lamang o itago ito at huwag ipaalam sa kanya" - at ito rin ay kanyang sinunod.
* Ang anak ng hari ay magiging hari rin, kaya wala tayong ipagkakaiba sa mga
pulitiko sa ngayon, kung pangulo ng isang demokratikong bansa, ay halos ayaw
ng umalis sa puwesto at pati mga anak at asawa ay kung maari, ay sumunod na
rin sa kanya.
Now my dear sons, hear, this is how
To be a good ruler, listen!
Teach all your people what to do;
Show them that you are brave and strong
So they will fear you but never
Use your strength to kill your people
Because they will just run away
From you, start building their own port
To fight you and have a new chief
Who will run soon bring a division
And then make a separate state.(Vol. I p. 44) (lines 1056-1066)
* Talagang magiting at mahusay na pinuno si Gibon, dito niya ipinakikita kung
paano siya mag-isip at kung paano nila pinangalagaan ang kanilang tungkulin.
You , yourselves, should not mix with common folks,
even when you are poor, for a gold does not mix
with soil, so don't go marry
Their daughters for you will be blamed,
But remain pure even when poor,
For as clouds cannot hide the sun.
For long, so, too will you soon find
The proper consort, for people
Will despise you if you did not
Do your best to marry high.(Vol. I p. 44-45)
Huwag makikihalubilo sa mga pangkaraniwang tao sapagkat ang ginto ay hindi humahalo sa lupa - May ere sila at mataas ang kanilang tingin sa sarili. Huwag daw mag-aasawa ng pangkaraniwang tao. Hindi raw maitatago ng ulap ang araw.
Ang ating mga ninuno ay may kakaiba o natatanging pag-uugali. Para bang ayaw nila na sila ay mapapahiya o mapasailalim sa kapangyarihan ng iba. Ninanais pa nilang mamatay kaysa magkaroon ng dalawang pangalan.
Ipinahihiwatig din
dito na sa kanilang batas ay walang kinikilingan, walang kama-kamag-anak,
lahat ay pantay-pantay.
* Suppose it happens, like it can,
That you, yourselves, are face to face
With an emergency, like as
One of your men is killed fighting
Among themselves, then act at once.
Do not waste time by waiting for
A delegation; you go to
The place even when it rains and
If this should happen at night, you
Use torches to light your path so
As to move as fast as you can
To reach the troubled spot and go
To the house of the one who had
Killed in order to judge the case
Grow as you arrive there,
You take charge at once, start shouting
To demand who is the killer.
Brandishing your kampilan, you
Show your power as Ayonan,
Then everyone will be afraid
And begin to cry in their fear
Most of all the women will start
Wailing and weeping loudly thus;
"O datus who are neutral in
This case, intercede for us and
Ask that an investigation
Should be done first before any
Action is made by our leader!
Now, as the highest ruler of
This land, the way to act in this
Case is to be strictly neutral,
Exercise justice, even if
The other party is your own
Relative, if he is guilty
Then pass sentence on him; in such
Cases, we have no relatives,
Even if it involved aliens
From the sky, if they had the truth,
Side with them, for here it is clear
That these are your true relatives
That is how to be a ruler
And be known for your strict justice,
May you both do as I have said.
Still another matter to be
Learned in the art of governing
Is to remember that many
Of your people are ignorant
So if you hear that they acted
Disrespectfully toward you,
Simply ignore it for even
If you take time, ignorant folks
Find it hard to learn fine manners
or treat their own land properly,
Inimical acts against you,
Intended to kill or destroy,
Then you will have to punish him
Publicly to stop such actions
And be an example to all.(Vol. I pp 45-46)
If someone came with an offer
of marriage and presents himself
To ask for one of your sisters
When the party comes for formal
Arrangements, hand the whole matter
To relatives who will do all
The talking and the arranging
Of everything to which you give
Your wholehearted assent at last,
For that is the right way to act
Befitting someone who does rule
All this region and half the sea.Another important advice
For you both is also about
The Rinamentaw Mapalaw
Which you may never sell but must
Always treasure; this very boat
Is the same one that we have used
To court in far and near places
Ensuring needed acceptance.
In all the princess' home towers.(Vol. I p. 46)
Sa mga linyang ito, mauunawaan natin kung paano tumatakbo ang gulong ng ating buhay. Makikita sa buhay ni Gibon ang pagbabagu-bago ng takbo ng panahon at ang lalung-lalo na ng ating pag-iisip. Ang isang matanda na, maraming naging karanasan sa buhay ay handa ng humarap sa kamatayan. Wala siyang pangamba na harapin ang susunod na yugto sa kanyang buhay. Magandang tagapayo siya sa mga kabataan.
Bukod sa pagiging
mapagmahal sa trabaho at pagiging maingat sa "gamit," kilala rin sila sa
kalinisan.
If any time you see that
This magic boat became dirty
Move it quick to another place,
Asking all the young men to help
So you could clean it very well.(Vol. I p. 46)
Igalang at pangalagaan ng husto ang lahat ng mga minana gaya ng Patola'
Kaorayan (mahikang sinturon) -
That our wide - mirror-like playground
Must never be made dirty, for
this ground with its wide open space
Is free for all our people's use.(Vol. I p. 47)
The tower of our princesses
Be sure to keep it always clean
Because it is quite widely known
And recognized for the beauty
Of your royal sisters whose fames
Have reached all the lands about us -
Yes, all the surrounding regions.(Vol. I p. 467 lines 1225-1231)
The royal house, the torogan
Keep it clean, repaired, lest it falls
For this royal abode was not
One given away as dowry.
Everyone may live here, even
Foreign princesses may stay here,
For it was proclaimed to all by
Our guardian spirits who have said
That they would punish with a curse
From the gods in the sky - world, the
Person who would sell this dear house
Or destroy it, thus showing no
Respect for this royal dwelling.And he would never have children.
Bad luck would log his daily life
And typhoons would wreck him at sea.
This great house, it is also known
To be the reason why thunder
Is never heard along the mouth
Of the river because in this house
Are found and never leaving it.
All the tonongs of Bembaran.(Vol. I p. 48)
Ang ating mga ninuno ay may malalim na paniniwala sa espiritu o sa mga tonong - nagsasaad ito na sila ay relihiyoso, marunong o magaling sa pananampalataya. Huwag daw iwawala ang torogan sapagkat ito ay nakapahalaga sa kanilang buhay. Ito ang sentro ng mga tungkulin maging ito may panlipunan, pengrelihiyon, pangkultura o pampulitika. Masama daw ang mangyayari sa sinumang magwala o sumira sa torogan.
Tinuruan din ni
Gibon kung kailan tutugtugin ang Magandiya'a Orang at Rogongen.
Kung may patay o kung tatawag ng tao para sa digmaan.
Ang Momongan a Dairing naman kung mag-iimbita ng tao para sa piyesta.
Mga tradisyong sinunod kung may namatay -
(Aya Paganay Ba'i said)
"O my dear ladies here present,
Let us clean the house, put perfume
On the beds, then change everything
And put on new decorations
To make the place beautiful as
Befits a treasure from the gods.(Vol. I p.50)
For one must really spend two years
To mourn enough one's dear dead well.(Vol. 1 lines 1830-1831p. 61)
Masasabi nating sila ay mapagmahal sa isa't isa. Maingat sila sa pagsunod sa mga katutubong tradisyon, tulad ng pagluluksa nang matagal.
Si Tominaman sa Rogong ang pinuno ng Bembaran. Siya ang panganay na anak nina Gibon at Aya Paganay Ba'i. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugan na nakapagpapahinto ng kulog o ng lahat ng masasamang gawain. Minana niya ang lahat ng katungkulan ng kanyang ama bilang pinuno ng Bembaran. Mineren sa Dalendeg ang isa pa niyang pangalan. Si Lalawanen sa Solog ang kanyang maybahay at may apat silang anak. - Pasandalan a Monag, Paramata Bantogen, Arkat a Lawanen at Inapiran Bolawan. Siya ang pinuno ng Bembaran na nakapagpaganda sa lugar.
My dear datu know that it is
My desire that you and your men
Would cut down the trees that are found
In Lima Pangkat a Palaw
While we continued on our way
To Malinday a Bembaran
With Bai Dagayonan -(Vol. I p. 74)
Alam nilang maghati-hati ng oras at ng mga gawain para sa mga tao, kanya-kanyang iskedyul. Kasama nila rito ang mga Manobo at si Dadiwanga Diliyon ang kanilang pinuno, na may mga alagang hayop at gusto niya sa Lima Pangkat a Palaw para sa kanyang alaga. Siya ang pinakamayaman sa lahat ng Manobo na galing sa limang ibat-ibang tribu.
Bembaran
No place could now compare with it
For it had two rivers that looked
Like one when seen from very far,
On the opposite banks which
were the grand painted torogan
Stretching in one line falling all
of Lima Pangkat a Palaw.(Vol. I pp. 76-77)
King Tominaman sa Rogong
and Mangondaya Boisan
Both - were blessed with many children
Mostly male, now famous datus
They were well-known throughout the sea,
Imitating each other's skills
Known to be strong as crocodiles
And when up they stood together
They were tall as the balete
Each one equal to the others,
Each trying to be first in play,
Showing off his vaunted powers,
No one surpassing the others -
Renowned were they even at sea,
No one else could equal those boys
Who were favored by the tonong.(Vol. 1 p. 77)
Ipinakikita rito na ang mga anak ay may minamanang kaugalian o kagitingan mula sa kanilang mga ninuno.
Ng tumanda na at nagkasakit na ang pinuno -
All through the day and through the night
Everyone gathered by his side
All the datus, prominent peers,
of Malinday a Bembaran
Then they began to give away
To all these prominent datus
Rich clothes of different colors,
Yes, to each of the datus there,
And to the respected teachers-
Offerings for sick Mineren.(Vol. 1 p. 77)
Kinagisnan din nila ang mamigay ng mga damit kung ang isa ay may sakit at
mahina na, para maibsan ng sakit ang pasyente. Ito ang uri ng paghahandog o
pag-aalay para may ipagbago ang maysakit.
Soon they saw a strange change that came,
On Tominaman sa Rogong -
His hearing, it seemed, became keen
And his sight sharpened, and he saw
The universe plainly, and more,
For now he saw very clearly
The awesome Abode of the Dead,
Where he found a great multitude
Whom he passed by as he entered
the great shining city which all
Must know as the World Hereafter.(Vol. 1 p. 78 lines 189-199)
Ito'y isang pangitain o obserbasyon na nangyayari sa isang maysakit. Biglang
lumalakas na animo'y magaling na, iyon pala'y papunta na sa kabilang buhay.
The mountain tribes, the Manobos
Who now learned that their famous chief
Was gone - and thus they lost their strength
For the Brave One had left them, gone
From Malinday a Bembaran,
Gone forever, from them all was
King Tominaman sa Rogong.(Vol. 1 p. 78)
This act could well invite cannons
Fired to destroy and sink the boat
By brave soldiers guarding the coats
And doing more than all the rest
Were the noble datus themselves
Whose very period of mourning
For Tominaman sa Rogong
Was set to last a full year, or
Until the heart could learn to bear.(Vol. 1 p. 78 line 224-254)
* Sa kuwento ni Madali - malalaman natin na talagang mahal na mahal nila ang Iliyan a Bembaran.
"O my dear cousin, dear princess
Since you refuse to hand over
To my own self what I ask you,
My beautiful embroidered clothes,
Give me, ladies, the permission
To leave you so I can go on
To Damalina' a Rogong
Even If I were not yet dressed
In presentable clothes fitted
For a mission such as this one.
May I die on the spot if I
Did not go away from this place
Our Iliyan a Bembaran.
So I am leaving right away
For Danalima' a Rogong
In order to average the shame
That has befallen our nation,
Our people of Bembaran(Vol. 1 p. 102)
Determinado si Madali - ano man ang mangyari pupunta pa rin siya sa Danalima a Rogong.
* Hindi nila
nalilimutan ang paghingi ng tulong sa mga tonong -
Sinabi niya na -
"Please do not be worried about
My going, leaving you alone
In Iliyan a Bembaran
For we will ask the good tonong
To protect me from all troubles.(Vol. 1 p. 102)
At nagdasal si Lawanen -
"To you our cousin Madali'
I pray the Almighty that you
Will always be the sole gainer
And ever emerge the winner!
May success crown all of your plans
In your bounden duty to search
For all your relatives who are
From Iliyan a Bembaran.
May the good tonong always help
You and may nothing bad happen
To you as you go on your way
To Danalima'a Rogong,
The sole defender to restore
The lost honor of Bembaran.(Vol. 1 p. 104)
Ang epikong Darangan ay isang mahusay na mapagkikilanlan ng etnikong Maranaw. Ang mga Maranaw na may sariling kultura at tradisyon ang isinalaysay sa mga tula o awit na kinapapalooban ng takbo ng kanilang pamumuhay maging buhay pampamilya, panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika o buhay pangkaraniwan. Kinapapalooban din ito ng mga katutubong pananaw nila na maaari nating itanim sa ating mga isipan upang lalo nating mapag-ibayo, maibalik o maparami ang mga gintong kaugalian at paniniwala ng ating mga ninuno. Ang mga pangunahing tauhan o bayani ng epikong Darangan ay ginagamit na modelong panlipunan kung saan natin makukuha ang mga leksiyong moral para sa mga bata o sa lahat sa atin ngayon. Ipinakilala ng Darangan ang mga Maranaw na may kakaibang kilos o pag-uugali. Ito ang Maratabat. Ang mga bayani sa epikong ito ay kilala sa pagkakaroon ng ganitong kaugalian.
Ang salitang "maratabat" ay nangangahulugang "face" or "amour propre" ng mga Maranaw (M. Saber & A. Madala, 1975:88). Sinasabi ng mga taga-Lanao na ang maratabat ay susi ng kanilang sikolohiya. Ito'y napapaloob sa isang malawak o iba-ibang sitwasyon ng kanilang buhay. Gaya halimbawa na kung ang isang tao ay kandidato, maraming kamag-anak ang nagbibigay hindi lamang ng tulong o lakas, kung hindi ng buong yaman para sa kampanya para lamang mapangalagaan ang Maratabat sa pamilya. Kung ang isang tao naman ay pumasa sa eksamen sa batas siya ay binibigyan ng engradeng selebrasyon para ipahayag ang pampamilyang maratabat. Isa pang halimbawa, kung ang isang tao ay hindi sanay na magsalita hindi siya pinagsasalita kung may okasyon para lamang hindi mawala ang kanyang maratabat.
Ang mga katutubong pananaw na buhat sa iba't ibang awit ng Darangan na hinggil sa iba't ibang daloy ng pamumuhay ay kinapapalooban ng ganitong pag-uugali ng mga Maranaw. Maging sa pag-aasawa, hindi sila pumipili ng hindi nila kauri. Kahit na sa pakikipaglaban, hindi sila nagpapatalo. Maayos silang mamuno at magalang sa mga bisita. Sa mga pagpupulong, napakagaling nilang magsalita. Ang antas ng maratabat na hahanapin natin sa isang Maranaw ay maaaring kasintaas ng kanyang posisyon sa lipunan. Ang isang katulong ay hindi inaasahang may maratabat. Kailangan pang parukahan kung magpapakita ito. Ngunit kailangang protektahan ang maratabat ng isang taong may sinasabi sa lipunan. Ang maratabat ay isang idelohiya. Ito rin ay nagpapahayag ng posisyon sa lipunan. Hindi natin ito maiintindihan kung hindi nating ibabase sa estrakturang panglipunan at sa posisyon sa nasabing estraktura. Ang taong walang bangsa (identification with ancestors) (Saber & Madale 1975: 92) ay walang maratabat. Ang taong walang maratabat ay balewala o isang napakaliit lamang at ang importanteng tao ay iyong maraming angking maratabat.
Ang maratabat ay kahalintulad din ng "hiya". Ang taong nawalan ng maratabat ay may "dumi sa mukha". Isa pa ang maratabat ay naaayon din sa tradisyon at kaugalian ng mga tao. Sa ating mga karapatan, pribilehiyo at kaukulang karapatan ibinabase ang ating mga kostumbre sa buhay. Ang insulto, hiya o "dumi ng mukha" ay mga paglabag sa ating mga karapatan at pribilehiyo. Ang ating mga kostumbre ay nagpapahiwatig na tayo ay may maratabat at nangangailangan nating pangalagaan ito. Ang tema ng maratabat ay nakasalalay sa mga simbolo, paniniwala at mga imahen, sa pagsasam-sama, at sa pampublikong moral ng mga Maranaw. Ang lahat, maging bata man o matanda ay matututo ng ganitong mga kostumbre basta kasali sila sa lipunan.
Sa pananaliksik ng may-akda ng mga kaugalian at mga kahalagahang moral ng mga Maranaw buhat sa Darangan, ay isinaisip niya kung sino at ano sa kuwento ang nagsasalita o nagsasaad ng mga katutubong pananaw. Mahirap langapin ang bawat sabihing maganda o naaayon sa tradisyon o sa pag-uugali ng isang tauhan na hindi naman maganda ang bahaging kanyang ginagampanan. Kaya para sa kanya, kailangang alamin o intindihin muna kung sinu-sino ang mga tauhan at kung naaakma sa kanila ang kanilang sinasabi.
Maraming talata ang maaaring pagkamalang tama o mahalaga para sa babasa gaya nito: (Vol. 3 p. 134) lines 5800-5804.
Daranda:
May I fall dead right here and now
If anyone dares to visit
The Pidaya Ginandingan (lamin)
Without being punished for such
Act against our tradition.
Si Daranda ay isang prinsipe ng Bagomba na kakampi ng Ayonan sa Bembaran lalo na sa pagtratro kay Paramata Gandingan na isang mababang klase lamang. Siya ay isang mayabang at matapang na tauhan sa kuwento.
Nabanggit din ng may-akda sa itaas na ang mga nakapaloob ng tradisyon o kultura sa mga awit o tula ng Darangan ay maaaring maging ukol din sa buhay pangrelihiyon. Madalas magdasal ang ating mga ninuno, lalo na kung kailangan nila ang tulong ng mga tonong o espiritu. Malalim din ang kanilang pananampalataya at mismong ang Diyos ay kanilang nabanggit sa Darangan - (Vol. 3 p. 194) Sinabi ni Sayana sa nanay niya na -
You have no relatives found here.
If so, then you are all alone,
So you must be like God who is
All alone and self-sufficient.
Naniniwala rin sila sa kasal na sagrado gaya ng paniniwala ni Bolentay sa kasal nila ni Morog. Maging sa pagbibigay ng pangalan sa bata gaya ng Lomna - na ang kahulugan ay "storm nearly enchanted" ay isinasangay rin sa mga tonong o espiritu (metaphysical). Kahit na sa pag-aalaga ng mga bata, ng maysakit o para sa ikagagaan ng katawan at kaluluwa ng tao, gumagamit din sila ng tubig na galing sa ilog Gambar. Ang paniniwala rin nila sa kalikasan, na makikita sa kanilang paggamit ng nganga, ng "kilala plant", balete (lilim), maging sa "ibong engkanto at buwaya o "enchanted nori bird", ay may koneksyon pa rin sa tonong o espiritu.
Ang pagiging "supernatural" ni Bantogen at ng iba pang tauhan sa kuwento, pati na rin ang pagkakaroon ng himala o mahikong lakas ng bata gaya nina Sayana, Lomna at Dariday Mairindo maging sa labanan man o maging sa pagsasalita, naniniwala rin ang may-akda na ito ay dala ng kanilang malalim na paniniwala sa Diyos o sa Espiritu. Sinasabi sa Darangan, na sila ay modelo para sa mga susunod na henerasyon.
Sinusunod rin ng ating mga ninunong Maranaw ang pag-ikot ng mundo, ang kabilugan ng buwan, lalo na kung may okasyon gaya ng kasal, piyesta o kung may namamatay. Ang pagpapakasal nina Bantogen at Madali sa Miyaraday Dali'an ay itinakda sa kabilugan ng buwan, na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin kahit dito sa Katagalugan.
Ayon sa may-akda,
tunay na parang madadala siya sa Daridayan a Langit sa kagandahan ng mga
kuwento dito sa Darangan. Para sa kanya, ugaliin ding natin mahalin ang
pagbabasa nito sapagkat dito maipanunumbalik ang pagpapahalaga sa ating mga
sarili at kapwa. Mahalin ito na parang isang ginto sapagkat pinaghirapan itong
hanapin at tipunin ng ating mga kapwa Filipino mula sa MSU Research Center.
Nagpakahirap sila at nagkaroon daw ng samut-saring suliranin sa pangangalap.
Kaya bilang pasasalamat din ng may-akda sa mga taga MSU Research Center ay
kinalap rin niya sa Darangan ang mga pahinang naglalaman ng mga
gusaling pangkultura na naging lugar para sa paglagda sa 1935 Dansalan
Declaration - na nagsasaad ng kahilingan ng mga Moro sa pangulo ng America na
huwag daw isama ang Mindanao, Sulu at Palawan sa Republika ng Pilipinas.
Mga Aklat
Alan, Robinson. Myths and folktales around the world. New York. Globe Book, 1980.
Bello, Moises C. Kankanaey social organization and culture change. UP., 1972.
Botengan, Kate C. Bontoc life days - a study in education and culture. Capitol Pub. House, Inc. 1976.
Bruno, Juanito A. The social world of the tausug. Manila; CEU Research and Development Center, 1973.
Cuasay, Pablo M.. Mga piling alamat sa Pilipinas. Manila, National Books Store, Inc. 1991.
Darangan: Epic of History. Manila, Presidential Commission for the Rehabilitation and Development of Southern Philippines, 1980.
Demetrio, Francisco, S. J. Dictionary of Philippine Folk-belief and Custo Cagayan de Oro, Xavier University, 1970.
Illustrated folktales: mythico legendary. Ed. Cagayan de Oro Xavier University,1980.
Illustrated folktales: historical. Ed. Cagayan de Oro Xavier University,1980.
Book Store, 1982.Verona, L. P. Unreached people's 81 reaching the Muslim Filipinos. Valenzuela, M.M. Lifetime Printing Center, 1984.
Velasquez de la Cadena, Mariano. Spanish and English Dictionary. Chicago. Follet Publishers, 1974.
Mga Pamplet
Calixto L. Barrato, Jr. and Marvyn N. Benaning. Field Report Series No. 5 Pinatubo Negritos. (Revisited). Q.C.: PCAS, 1978.
Jose Sabalvaro and Mashur Bin-Galib Jundam. Field Report Series No. 4. Q.C. PCAS, 1978.
Joseph R. Fortin and Leon Rico, Jr.. Field Report Series No. 2. Tinguian, Q.C. PCAS, 1978.
Manuel Convocar and Paladan Badron. Field Report Series No. 3. Maranao. Q.C. PCAS, 1978.
Mashur Bin-Galib Jundam and Jose Sabalvaro. Field Report Series No. 1. Tausug. Q.C. PCAS, 1978.
Sahid Glang and Manuel Canvocar. Field Report Series No. 6. Maguindanao. Q.C. PCAS, 1978.
Ramirez, Mina M Reflections on Culture. Occasional Monograph 2. Manila. Asian Social Institute, 1993.
Mga Lathalain
- Alegre, Edilberto N. "Tayo ang Dumagat". Sunday' Inquirer Magazine, August 18, 1991.
- Community Life in Ilocos Region. Q.C: Asian Center. 1982.
- The Traditional World of Malibon. Q. C. UP, 1969.
- Lopez, Violeta B. The Mangyan of Mindoro: An Ethnohistory. UP Press, 1976.
- Lumbrea, Bienvenido. The Folk Tradition. Q.C. UP Press, 1976.
- Lumicao-Lora, Ma. Luisa. Gaddang Literature. Q.C.: New Day Publishers, 1976.
- Madale, Abdullah. Maranaws: The Remarkable of Maranaws. Omar Publishers, 1976.
- Magos, Alicia P. The Enduring Ma-aram Tradition - An Ethnography of a Kinaray-a Village in Antique. Q.C. New Day Publishers, 1992.
- Medina, Bisa, Guamen. Karanasan. National Bookstore, Inc. 1977.
- Ortinero, Aniceta. Ang Pilosopiya bilang Disiplina. Gawad Surian sa Sanaysay Gantipalang Collatntes, 1989-1991.
- Quito, Emerita. Ang Pilosopiya sa Diwang Pilipino. Manila. United Publishing Co., 1972.
- Research Workshop on Ethnicity Proble IDRC, 1975.
- Saito, Shiro. Philippine Ethnography: A Critically Annotated and Selected Bibliography. Honolulu: University Press, Hawaii, 1972.
- Santos, Angeles S. Isang Libo at Isang Salawikain at Kasabihan. Malabon: Dalubhasaang Epifanio de los Santos, 1965.
- Scott, Henry W. A Sagada Reader. Q. C.: New Day Publishers, 1988.
Timbreza, Florentino T. Pilosopiyang Pilipino. Manila, Rex.,1982- Goyo, Ma. Ceres P. "Proudly B'laan". Sunday Inquirer Magazine. October 14, 1990.
- Ortega, Christine G. "Why the Sultan did not die" Sunday Inquirer Magazine. June 13, 1993.
- Severino, Howie. "Artist Among the Aetas." Sunday Inquirer Magazine. September 22, 1991.
- Tejero, Constantino. "Vessels of Worship." Sunday Inquirer Magazine. September 11, 1994.
- Bacwaden, Joy Christine O. "Lumawig: The Culture Hero of the Bontoc-Igorot" Philippine Studies Vol. 45 3rd quarter, 1997.
- Helbling, Jurg and Shult Voller. "Demographic Development in Mindoro" Philippine Studies Vol. 45 3rd quarter, 1997.
- Macdonald, Charles J-H. "Cleansing the Earth; The Panggars Ceremony in Palawan". Philippine Studies Vol. 45 3rd quarter, 1997.
- Wood, Shelton L. "Early American Missionaries in Ilocos". Philippine Studies Vol. 45 3rd quarter, 1997.
Texto mula sa https://www.dasma.dlsu.edu.ph/colleges/cla/paradimo/archives/vol5no2/dumaual.asp
Imahe mula sa koleksyon ni Cynthia Paralejas