Heograpiya

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

Prepared Word Frequency List for this Text

Kinalalagyan at Laki ng Pilipinas

 

(i-klik dito para makita ang mas malaking imahe)

Philippine Government. 2005. Philippine Map. Retrieved March 22, 2005
from https://www.gov.ph/aboutphil/philmap.asp 

Panimula

 

Pisikal na kapaligiran

  Mga rehiyong Pangheorgapiya   Kayamanan ng mga Rehiyon   Maikling Pagsasanay

Panimula

anarule.gif (1534 bytes)

Ang bansang Pilipinas ay mula sa Felipinas, na unang ipinangalan ni Ruy Lopez de Villalobos sa bansa sa karanganlan ni Prinsipe Felipe na naging Haring Felipe II ng Espanya. Sa pamamagitan ng Presidential Decree 940 na ipinlabas noong ika-24 ng Hunyo, 1976, ang Maynila ang kabisera ng bansa. Ang Pilipinas ay tila tatsulok ang hugis na matatagpuan sa pagitan ng Tawian (sa Hilaga) at Borneo (sa Timog). Napapalibutan ito ng malalaking bahagi ng katubigan: ang Dagat-Celebes sa Timog, at Dagat Tsina sa Kanluran. May 300,000 kilometro kuwadrado ang laki nito na halos kasinlaki ng Italya at dalawang beses ang kalakihan sa Gresya. May 7,100 pulo ang bansa ngunit 2,773 lamang ang may pangalan. Ang malalaking pulo ay ang Luson, Mindanao at Samar, Leyte, Negros, Palawan, Panay, Mindoro, Cebu at Bohol.

Ang pangkat ng ng mga pulo ay ang Luzon, Visayas at Mindanao. May kainitan ang klima ng bansa. gayunman, sa matataas na pook gaya ng Baguio at Tagaytay, ang klima ay halumigmig kahit na sa tag-araw. Sa pangkalahatan, ang klimang tropikal ay pinalalamig ng simoy na nanggagaling sa Dagat-Tsina at Dagat-Pasipiko. Dalawa ang panahon ng klima sa Pilipinas; ang tag-lamig o tag-ulan at ang tag-araw. Tag-ulan, mula Hunyo hanggang Oktubre at tag-araw naman, mula sa Nobyembre hanggang Mayo. Kasiya-siya ang klima sa Pilipinas at binangit ito ni Miguel Lopez de Legazpi, ang kauna unahang gobernador-heneral ng Pilipinas, nang sabihin niya sa Haring Felipe II ng Espanya sa isang sulat noong 1569 na "ang Pilipinas ay may klimang nakapagpapalusog." 

Kung titingnan mo ang Pilipinas sa globo o mapa, makikitang ito ay may 700 milya sa timog-silangan ng Asya at nasa may dakong hilaga ng ekwador. Nakatayo ito sa pagitan ng Karagatang Pasipiko sa Silangan, Karagatang Timog-Tsina sa Kanluran at sa Dagat ng Celbes sa Timog. Dahil sa malalaking karagatang ito, nagpapatunay lamang na ang Pilipinas ay isang kapuluan. ito ay binubuo ng 7,100 isla humigit-kumulang. Ang 2,800 lamang sa mga ito ang nagtataglay ng mga pangalan, at mga 1,200 lamang sa mga pulong ito ang natitirahan. kung susukatin ang nalalatagan ng mga isla mula sa hilaga hanggang kanluran, ang sukat ay umaabot sa 1,550 milya. May mahahaba - na may dalawang ulit ng haba ng linya ng baybayin ng Estados Unidos.

Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak ng lupa na may 115,707 milyang kuwadrado. Ang pinakamalaking pulo o isla ay ang Luzon (40,420 milyang kuwadrado), sumusunod ang Mindanao (na may 36,537 milyang kuwadrado) at ang huli ay ang pulo ng Visayas. 

Balik sa simula

Pisikal na Kapaligiran

anarule.gif (1534 bytes)
 

Ang Pisikal na kapaligiran ng Pilipinas ay binubuo ng:

a) Topograpiya o Kaanyuang panlabas ng lupa, tulad ng mga bundok, burol, lambak, kapatagan, talampas at baybayin.

Philippine Department of Tourism. 2005. Wander Our Womders. Retrieved March 222, 2005 from https://www.tourism.gov.ph/wow/wonder_of_wonders.asp 

Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok. Ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. Mayroon din itong malalawak na kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga siyentipiko na kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa. Ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas na matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol. Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may pinakamababa. 

 

b) Tubig

Philippine Department of Tourism. 2005. Wonderfully Original Waterways. Retrieved on March 22, 2005 from https://www.tourism.gov.ph/wow/wonderfully_original_waterways.asp

Ang Pilipinas ay binayayaan ng mahahabang baybaying-dagat. ito ang dahilan kung bakit ang mga naninirahan sa malalapit sa mga ilog at dagat ay paningisda ang ikinabubuhay. Ito's may mainam na daungan at panganlugan ng mga bapor na pinakikinabangan ng iba't ibang sasakyang-dagat, lalo na iyong mga nanggagaling sa ibang bansa.

Bukod sa mga dagat, mayroon din itong mga ilog, lawa, look at golpo na pinanggagalingan ng iba't ibang pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, talaba, halamang dagat at mahigit na dalawang libong iba't ibang uri ng isada.

Kabilang sa mga uri ng isda ang pandaca pygmea o sinarapan na matatagpuan sa Lake Buhi sa Camarines Sure. Ito ang kinikilalang pinakamaliit na uri ng isda sa buong daigdig.

Kilala rin ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamalalim na karagatan, ang Philippine Deep na may 32,000 talampakan ang lalamim.

 

c) Klima

Philippine Department of Tourism. 2005. Warm Over Winter. Retrieved March 22, 2005 from https://www.tourism.gov.ph/wow/warm_over_winter.asp 

Ang Pilipinas ay isang bansang tropiko. Bakit kaya? May epekto ang lokasyon ng isang bansa sa uri ng klima at panahon nito. Ang digri ng init o lamig ng isang pook ay ang kanyang temperatura. Batay sa masusing pag-aaral ng mga siyentipiko sa panahon, ang pinakamalamig na buwan ay ang Enero sa dahilang taglamig sa hilagang hating-globo. Ang pinakamainit naman ay ang Mayo dahil sa patindig (perpendicular) ang sikat ng araw, bukod sa pagkakaroon ng mga monsoon at pagkakaiba ng haba ng araw at gabi.

Nagkakaroon din ng pagbabago ng temperatura dahil sa may matataas at mababang pook sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit mas malamig sa Baguio at Tagaytay kaysa sa Maynila.

 

d) Pag-ulan


   

World Book. 2004. What is a Typhoon. Retrieved October 13, 2005 from  https://www.worldbook.com/wc/popup?path=features/hurricanes&page=html/typhoon.htm&direct=yes

Sa panahon ng malalamig na buwan ng Disyembre at Enero, ang pag-ikot ng hangin na nanggaling sa Karagatang Pasipiko ang nagiging dahilan ng pag-ulan sa Pilipinas. Karaniwang ang silangang dako ng bansa ang nagkakaroon ng pag-ulan. Ang ulang ito ay tinatawag na ulang mula sa hilaga o monsoon rains.

Ang pinakamaulang bahagi ng bansa ay ang dakong silangan lalung-lalo na sa ng Timog Silangang Samat at Hilagang Silangang Mindanao. Mula sa Hunyo hanggang Setyembre, maulan sa kanlurang bahagi ng bansa. Mula sa Oktubre hanggang Disyembre, muling nagiging maulan sa silangang dako ng Pilipinas.

Ang mga pag-ulan ay nagkakaroon ng epekto sa iba't ibang uri ng klima sa bansa. Ang uri ng klima ay ayon sa katagalan ng tag-init at tag-ulan sa isang lugar.


Mga Rehiyong Pangheograpiya

 anarule.gif (1534 bytes)

Pinangkat ng pamahalaan ang mga lalawigan sa rehiyon ayon sa lako at pangkalikasang katangian ng kanilang kapaligiran. May labing pitong

Luzon

Visayas (Bisayas)

Mindanao

Balik sa simula

Kayaman ng mga Rehiyon

 
anarule.gif (1534 bytes)

Napakayamang bansa ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang mga likas na yaman. Bawat lalawigan o rehiyon ay may kani-kaniyang likas na yamang ikinaaiba sa ibang lalawigan.

Halimbawa: Ang Baguio ay saganang-sagana sa mga biyaya ng yamang-lupa, tulad ng mga sariwang gulay at prutas ngunit kapos naman sa mga yamang tubig, tulad ng mga isda.

Ang mga kayamanang ito ay nagagamit para sa kasaganaan ng mga mamamayan at nakakatulong para sa kaunlaran ng bansa.

Ilan sa mga likas na yaman ng bansa ay ang mga palayan, pangisdaan at kagubataan.

Palayan

Pagsasaka ang pangunahing industriya sa Pilipinas sapagkat ang lupa rito ay angkop sa pagsasaka. Pansiyam ang Pilipinas sa labingdawalang bansang umaani ng palay sa buong mundo. Ang Gitnang Luzon na tinaguriang Kamalig ng Bigas ng Pilipinas ay nangunguna sa produksyon ng palay. Mataba ang lupa sa malalawak na kapatagan nito, sagana sa ulan at maunlad ang paraan ng patubig, kayat umaani ang mga magsasaka kahit tatlong ulit ng palay sa isang taon.

Pangisdaan

Ang sumusunod sa industria ng pagsasaka ay ang pangingisda. May 2,000 uri ng isda na nahuhuli sa iba't ibang panig ng bansa. Ginagawa ang pangingisda sa tatlong pangunahing lugar.

a) pangingisada sa lawa at ilog (inland fishing)

b) pangingisda sa baybay-dagat (coastal fishing)

c) pangingisda sa laot (deep fishing)

Ang mga baybaying dagat ng Cavite, Pampanga at Bataan ay kinahuhulihan ng iba't ibang uri ng isda. Ang mga malalaki at mauunlad namang palaisdaan ay matatagpuan sa Malabon, Metro Manila, Lingayen, Pangasinan, Hagonoy, Bulacan at Estancia, Iloilo.  Ang Pagbilao, Quezon naman ang pangunahing tagapagtustos ng mga isang pang-akwaryum na ipinagbibili hindi lamang sa ibang lugar sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos at Europa.

Bukod sa mga isdang nahuhuli sa dagat ay may iba pang produksyon, tulad ng mga gulamang dagat, pagkaing kabibe tulad ng talaba at tahong at mga korales. Ang ibang uri ng kabibe ay ginagwang palamuti sa mga tahanan at ang iba naman ay inaayos na mabuti upang gawing singsing, hikaw, pulseras, pitaka at iba pang gamit. 

Kagubatan

Ang Pilipinas ay may 16.6 milyong ektarya ng kagubatan. Natatakpan ng kagubatan ang 55 bahagdan ng lupain ng bansa.

Ang Pilipinas ay pangatlo sa Asya sa pagkakaroon ng malaking kagubatan. Nangunguna ang Hapon at pimapangalawa ng Indonesya.

Ang mga kayamanang nakukuha sa kagubataan ay ang iba't ibang uri ng kahoy na ginagwang troso, tabla, plywood at veneer. Malaki ang kinikita ng Pilipinas sa pagluluwas ng troso. Ang iba pang mga produkto ng gubat ay ang ratan, uling, nipa, balat ng kahoy na pangulti (tambark), dampol (tam dye), buri, buho, kawayan at dagta o resina.

Ang gubat ay nagsisilbi ring kanlungan ng mamabangis na hayop, tulad ng tamaraw, usa at baboy-damo. Dito rin nanggagaling ang iba pang hayop, tulad ng agila, mga kalapati, unggoy, at maraming uri ng ibon.

Ang Mindanao ay isang may pinakamalaking sukat ng kagubatan at may pinakamaraming bilang ng mga puno. Sumusunod sa Mindanao ang Luzon at sumusunod naman ang Bisaya at Palawan sa Luzon.

Ang Agusan at Negros Occidental ay nakilala bilang bansa sa kanilang produktong kahoy. Ang iba pang mga kilalang lalawigan sa pagtrotroso ay ang Zambalez, Davao, bataan, Agusan, Surigao, Cagayan at Quezon.

Ang iba pang kayamanan ng mga rehiyon  ay ang mga sumusunod:

  1. Minahan - ginto (Benguet, Paracale, Camarines Norte, Masbate, Bulacan at Surigao); tanso (Cebu, Negros Occidental, Marinduque, Benguet, Samar at Davao del Norte); bakal (Surigao, Davao at Samar); chrome (Zambales)

  2. Niyugan - Quezon, Laguna, Camarines Sur, Leyte, Samar, Davao at Cotabato.

  3. Asukalan - Negros Occidental, Negros Oriental, Pampanga, Batangas, Laguna, Tarlac at Iloilo

  4. Abakahan - Bikol at Davao

  5. Pastulan - Batangas, Bukidnon, Masbate at Mindoro

  6. Asinan - Las Pinas, Rizal at iba pang bayan sa Cavite.

Text Sources:
Lalunio, Lydia.,  Priscila Dizon, Myrna Gasingan at Melchor Lalunio, Jr. (1994).
        Kalinangan Pilipino: Batayang Aklat sa Sibika at Kultura
(Ikaanim na Baitang). Quezon
        City: Rex Printing Company, Inc.

Maikling Pagsasanay

anarule.gif (1534 bytes)

Piliin kung ano ang pangunahing kayamanan sa lugar na binabangit::

This space shows a quiz in java-enabled browsers

Balik sa simula