Translation Tools
Mayaman ang kutura ng bansang Pilipinas. Matatagpuan ang mga ito sa sining, musika, sayaw, panitikan, at palakasan.
Mga Kilalang Pilipino sa Sining at Panitikan
May malaking kahalagahan ang sinig at kultura sa buhay ng bawat Pilipino. Kinagigiliwan nilang umawit, sumayaw, tumugtog, sumulat, at gumuhit. Dahil dito, marami silang mga bantayog na mang-aawit, manunulat, manunugtog, kompositor, at pintor.
Kilala si
Julian Felipe sa
kanyang tugtugin o kompositiong "Himno Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya
ni Heneral Emilio Aguinaldo ang makabayang musikang ito para sa kalayaan ng
bansa. Unang ipinarinig ang tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Iyan ang pinagbatayan ng kasalukuyang pambansang awit.
Bukod sa pagiging
kompositor, si Julian Felipe ay tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.
Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng musika si Nicanor Abelardo. Magaling siyang tumugtog ng mga instrumento gaya ng guitara, biyulin, cello, at piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni Julian Felipe. "Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang tanyag na mga komposisyon. Ang iba pang mga kinatha niya ay ang mga sumusunod: My Native Land," "Motherland," "Bituing Marikit," at "National Heroes Day."
Mayroon din kilalang
biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo siya ng biyulin mula sa kanyang
ama nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Marami na siyang pinagwagihang
paligsanhan sa pagtugtog ng biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang
bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.
Si Cecile Licad naman ay isang tanyag na piyanista sa buong mundo. Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano. Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag-aral sa Estados Unidos. Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.
Hindi
lamang sa Pilipinas tanyag ang mga awitin ni Freddie Aguilar at Apo
Hiking Society. Kilala rin sila sa ibang bansa. Kanilang itinaguyod at
pinaunlad ang mga musikang Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit sa mga konsiyerto
sa ibang bansa. Nanalo na rin sila sa mga paligsahang pang-internasyonal sa
musika. Sila ang tinatawag na makabansang mang-aawit. Matapang din silang
sumanib sa mapayapang rebolusyon sa EDSA noong Pebrero, 1986.
Sa larangan naman ng sayaw,
si Francisca Reyes Aquino na isang
guro ang nangunguna sa paksang ito. Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga
katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw. Masusi
niyang pinag-aralan ang mga katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang
may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik ng mga sayaw.
Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng sayaw na kanyang namamasid na hindi niya
binago ang orihinal na galaw nito.
Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.
May iba
pang mga tanyag na Pilipino sa sining. Si Fernando Amorsolo ang isa sa
kanila. Mahilig siyang gumuhit ng larawan noong bata pa siya na ginagamit lamang
ang lapis at papel. Karamihan sa mga iginuhit niyang larawan ay nagpapakita ng
mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa, mga tanawin, at larawan ng mga tao.
Ipinahayag siyang kauna-unahang National Artist o Pambansang Alagad ng Sining.
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa si Guillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas, at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
Ilang Pangunahing Manunulat na Pilipino
Dr. Jose Rizal
Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal. Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula nang siya'y walong taong gulang pa lamang na napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may pamagat na "Sa Aking mga Kabata."
Francisco Baltazar
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming dakilang Pilipino, kabilang na si Rizal, ang naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog si Balagtas.
Graciano Lopez Jaena
Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.
Marcelo H. del Pilar
Si Del Pilar, na nakilala sa tawag na Plaridel, ang natatag ng Diariong Tagalog noong 1882. Isa itong pahayagang makabayan. Siya ang pumalit kay Lopez Jaena sa pagiging patnugot at may ari ng La Solidaridad. Si Del Pilar ang awtor ng "Dasalan at Tocsohan," isang tulang tumutuligsa sa mga maling ginagawa ng mga prayle.
Jose Palma
Isang makatang kawal si Jose Palma. Siya ang sumulat ng tula sa Español na may titulong "Filipinas" bilang mga titik ng "Himno Nacional Filipino" na nilikha ni Julian Felipe. Ang kasalukuyang mga titik sa Pilipino ng ating pambansang awit ay batay sa tula ni Palma. Dito siya nakilala bilang isang manunulat.
Lope K. Santos
Hindi lamang isang magaling na makata at nobelista si Lope K. Santos. Maituturing siyang isang dalubwika dahil sa kanyang mga naiambag na akda hinggil sa balarila ng wikang pambansa. Dahil dito, tinagurian siyang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa.
Jose Corazon de Jesus
Isa pang pangalan ni Jose Corazon de Jesus ay Huseng Batute. Tulad nina Balagtas at Rizal, marami siyang sinulat na mga tula. Naging isang kolumnista siya sa pang-araw-araw na pahayagang Taliba. Nasa anyong patula ang kanyang kolum. Dalawa sa kanyang mga kilalang tula ang "Manok Kong Bulik" at "Isang Punongkahoy."
Amando V. Hernandez
Si Amado V. Hernandez ang makata ng mga mangagawa. Siya ay naging patnugot ng pahayagang Pakakaisa at Mabuhay. Sumulat din siya ng mga nobela, kuwento, at dula. Siya ang kauna-unahang manunulat sa wikang pambansa na kinilalang National Artist. Kabilang sa kanyang mga popular na tula ang "Isang Dipang Langit," "Bayani," at "Bayang Malay."
Severino Reyes
Isinulat ni Severino Reyes ang "Mga Kuwento ni Lola Basyang" sa magasing Liwayway. Kinilala rin siyang Ama ng Dulang Pilipino. Pinakakilalal sa kanyang mga dula ang sarsuwelang "Walang Sugat" ma pumapaksa sa kagitingan ng mga Katipunero.
Nick Joaquin
Mandudula rin si Nick Joaquin. Ngunit higit siyang kilala bilang kuwentista at nobelista. Ang The Woman Who Had Two Navels ang kanyang pinakamahalagang nobelang nagtatampok sa mga gawi at pag-uugali ng mga Pilipino. Ang isa pang tanyag na isinulat niya ay ang Portrait of the Artist as Filipino.
Jose Garcia Villa
Si Jose Garcia Villa ay isang makata at kuwentista sa Ingles na nagkamit ng Republic Cultural Heritage Award at National Artist Award. Kinilala ang kanyang koleksyon ng mga tula na pinamagatang Doveglion at Jose Garcia Villa's Many Voices.
N.V.M. Gonzales
Isa ring nobelista sa Ingles is N.V.M. Gonzales tulad ni Nick Joaquin. Ang The Bamboo Dancers ang pangunahing nobelang kanyang isinulat. Kinikilalang kabilang siya sa may pinakamaraming naisulat na maiikling kuwento sa bansa at sa pinakamagagaling sa panitikan sa bansa.
Mga Natatanging Pilipino sa Palakasan
Lydia de Vega-Mercado
Kilalang atleta sa track and field sa buong Asya si Lydia de Vega. Marami na siyang natamong mga medalyang ginto sa pabilisan ng pagtakbo. Sinanay siya ng kanyang ama na maging isang magaling na atleta. Masunuring anak at disiplinado si De Vega.
Akiko Thomson
Isa naman si Akiko Thomson sa mga natatanging manlalaro sa paglangoy. Marami na siyang nakuhang medalyang ginto sa larangang ito. kabilang sa mga medalyang ito ang napanalunan niya sa Asian Games na ginanap sa Pilipinas noong 1991.
Felix Barrientos
Sa larong t ennis, si Felix Barrientos ang isa sa nangungunang manlalaro sa Asya. Sa isa sa nakaraang SEA Games, nagawad sa kanya ang tatlong medalayang ginto.
Rafael "Paeng" Nepomuceno
Isang tanyag na manlalaro ng bowling sa Pilipinas at ibang bansa si Paeng Nepomuceno. Marami na siyang napanalunang World Cup. Ang disiplinado niyang pagsasanay ay nagbubunga ng pagwawagi niya sa Pilipinas at sa ibang bansa. Naging isa sa mga Ten Outstanding Young Men (TOYM) si Paeng nang siya'y 20 taong gulang pa lamang. Siya ang pinakabatang binigyan ng ganitong karangalan. Pinarangalan din siya noong 1976 at 1980 bilang Sportsman of the Year.
Gabriel "Flash" Elorde
Isa sa mga batikang boksingero ng Pilipinas si Flash Elorde. Marami siyang napanalunang medalya sa larangan ng boksing na internasyonal. Matulungin tao siya. Nagpatayo siya sa isang gusali sa Parañaque na pinagdarausan ng mga paligsahan sa boksing sa kasalukuyan. Tinatawag itong Elorde Sports Compex.
Eugene Torre
Hindi lamang sa boksing, track and field, at bowling kilala ang mga Pilipino kundi pato na sa paglalaro ng chess. Si Eugene Torre ang magaling na Pilipinong manlalaro sa chess. Kilala siya sa ibang bansa tulad nina Nepomuceno, Elorde, at De Vega.
Robert Jaworski at Ramon Fernandez
Sina Jaworski at Fernandez ang mga tanyag at magagaling na manlalaro sa basketbol. Marami na silang nasalihang mga kompetisyong internasyonal.
Mga Pilipino sa Olympics Games
May mga Pilipino ring nanalo sa Olympic Games sa Seoul, Korea noong 1988. Ito'y sina Leopoldo Serrantes sa boksing at Arianne Cerdeña sa bowling. Nagbigay sila ng karanganlan sa Pilipinas na dapat ipagmalaki ng mga Pilipino.
Source of Images:
Jose Felipe: Cavite City Library. (nd). Retrieved October 13, 2005 from https://www.cavitecitylibrary.home.ph/photo.html
Nicanor Abelardo. No author. No Date. Retriev ed March 18, 2005 from https://www.geocities.com/philippinemusic/abelardo.html
Gilopez Kabayao. No Author. No Date. Retrieved March 22, 2005 from https://claudet.club.fr/Bloch/Disques/Bookmark.html
Cecile Licad: Flushing Council on Culture and the Arts. 2005. Retrieved October 13, 2005 from https://www.flushingtownhall.org/classical.html
Freddie Aguilar: Tatak Pilipino. Freddie Aguilar Albums. Retrieved March 15, 2005 from https://www.tatakrp.com/default2.asp
Apo Hiking Society: Apo Hiking Society. 2004. Centennial Costume. Retrieved October 13, 2005 from https://www.apohikingsociety.org/scrapbook_group_14.shtml
Francisca Reyes Aquino. nd. The 1962 Ramon Magsaysay Award for Government Service, Response of Francisca Reyes Aquino, Ramon Magsaysay Award Presentation Ceremonies. Retrieved March 20, 2005 from https://www.rmaf.org.ph/Awardees/Response/ResponseAquinoFra.htm
Fernando Amorsolo : Reflections of Asia. (n.d.). Retrieved March 20, 2005 from https://www.reflectionsofasia.com/images/fernando.jpg
Guillermo Tolentino: National Commission for Culture and the Arts. 2004. National Artists of the Philippines: Guillermo Estrella Tolentino. Retrieved on March 20, 2005 from https://www.ncca.gov.ph/culture&arts/profile/natlartists/visual-arts/tolentino.htm
Dr. Jose Rizal: Blogsite entitled slow.fan.chen. 2004. Lashed. Retrieved on March 20, 2005 from https://www.slowfanchen.net/archives/2004/06/
Francisco Baltazar: The Internet 1996 World Exposition. (n.d.). Philippine National Heros. Retrieved March 20, 2005 from https://park.org/Philippines/centennial/heroes12.htm
Graciano Lopez Jaena: National Commission for Culture and the Arts. 2002. Centennial Traveling Exhibit. Retrieved on March 20, 2005 from https://www.ncca.gov.ph/culture&arts/profile/sining/centennial/centennial-5.htm
Marcelo H. del Pilar: Colegio de San Juan de Letran. (n.d.). Letran Hall of Fame. Retrieved on October 20, 2005 from https://www.letran.edu/about/heroes.php
Lope K. Santos: Kabayancentral.com. (n.d.). Ang Diwa Ng Mga Salawikain. Retrieved March 20, 2005 from https://www.kabayancentral.com/book/bookmark/mb5690429.html
Severino Reyes: Divisoria.com. (n.d.). The Best of Lola Basyang. Retrieved on March 20, 2005 from https://www.divisoria.net/besoflolbass.html
Nick Joaquin: Tinig.com. (n.d.). Nick Joaquin. Retrieved March 20, 2005 from https://www.tinig.com/v37/
Jose Garcia Villa: Kaya. (n.d.) The Anchored Angel: Selected Writings by José Garcia Villa. Retrieved October 20, 2005 from https://www.kaya.com/aa.html
N.V.M. Gonzales: Divisoria.com. (n.d.). The Bamboo Dance. Retrieved March 20, 2005 from https://www.divisoria.net/9715690572.html
Rafael "Paeng" Nepomuceno: Asian Athlete. 2003. Nepomuceno Rafael "Paeng"
Robert Jaworski Cruz, Agnes R. (n.d.). Jaworski lifts Toyota past archrival Crispa. Retrieved October 20, 2005 from https://www.philippinestoday.net/2003/June/sports3_603.htm
Ramon Fernandez: Crispa-Toyota Rivalry. Ramon Fernandez. Retrieved October 20, 2005 from https://www.toyotacrispa.homestead.com/Fernandez.html
Text source:
Dizon, Priscila B. 1995. Bayanihan 2. Quezon City: KASAPI: Philippine Educational Publishers Association
A. Sabihin kung Tama o Mali ang pangungusap:
(i-click ang "judge
button" para malaman kung tama o mali ang iyong sagot.
Any ibig sabihin ng letra/marka:
"S" - mali ang sagot, palitan ng ibang sagot
"*" - tama ang sagot
"D" - tanggalin ang sagot na ito
"I" - may kulang na sagot)
B. Pagtumbasin ang pangalan ng kilalang Pilipino at kung sa anong larangan siya nakilala: