“Caregiver”

anarule.gif (1534 bytes)

Source:   www.abs-cbnnews.com

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

Sa natatanging pagtatanghal ng Pipol, ginampanan ni Ces Drilon ang papel ng isang caregiver.

Andito ako ngayon sa Philippine Orthopedic Center bilang isang volunteer ng Kythe Foundation

Ang Kythe ay mula sa Scottish word na "kayth" na nangangahulugan ng paggaling sa pamamagitan ng pagmamahalan, pagbibigayan at pagsasama-sama.

Kada tatlong oras ay isang batang may kanser ang namamatay sa Pilipinas.

Labing-apat na taon nang naglilingkod ang mga volunteer ng Kythe Foundation sa mga batang may kanser sa bansa.

May 80 katao na ang naging volunteer ng Kythe.

Sa araw na ito, magiging ika-81 volunteer caregiver si Drilon ng mga batang may mga kanser sa buto.

Kayang kaya ko 'yan, apat yata anak ko.

Isinama ni Ces ang ilang bata na manood ng programang "Wowowee."

Naging malungkot din ang mga bata dahil hindi nakumpleto ang barkada. Marami sa kanila ay pumanaw na dahil sa sakit.

Sumasailalim sa chemotherapy si Cedrix.

Si Lailani naman ay dalawang linggo nang nakahiga at tuloy-tuloy na dumudugo ang ilong.

Ang pabarito ni Drilon, si Lailani, 7.

Nagustuhan ko kagad si Lailani ,open siya. Madaldal siya . Si Zaldy naman ay masayahin . Si Levy at Dianne, kuya at ate ng grupo. Nakita ko 'yung pagmamahal nila sa isa't-isa.

Ces: Kelan ka una nakaramdam ng sakit?

Lailani: Naglalaro kami ng kuya. Hindi niya napansin naipit ako. Pinahilot ako ng mama ko lalo namaga kamay ko. Sabi ng doctor tatanggalan ako ng buto kaya naging ganito na balikat ko.

Ces: Pakita buhok mo tanggalin mo [scarf mo] Tumutubo naman a. [Ako,] nalalagas din buhok ko.

Ces: Ano nami-miss mo sa labas?

Lailani: Mga lolo ko tsaka lola ko, daddy ko, kuya ko.

Ces: 'Wag kang umiyak para di ako umiyak. Nakalimutan na natin 'yun di ba.

Mapapaisip ka kung ano ang dahilan [bakit kailangang pagdaanan ng mga bata ang kanser]. 'Di ko alam ang sagot.