"Medical malpractice "
Source:  www.abs-cbnnews.com
Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)


Itinanghal ng Kontrobersyal,
Nobyembre 25, 2005; Sabado, 11:30 p.m.

Hinding-hindi na raw malilimutan ni Rina Laud, isang negosyante, ang mga sugat at sunog sa kanyang katawan. Pati raw mga peklat na natira sa kanyang katawan, nagmarka na rin sa kanyang isipan.

Kung dati madalas siyang nakapalda, ngayon pantalon na lang ang laging suot niya. Naglaho na kasi ang maganda at makinis niyang binti.

Kung dati raw ay kutis labanos siya, ngayon ay zebra girl na ang tawag sa kanya. "You go to a beauty center like [it] to make you feel beautiful….but it turned out the other way," ani Rina.

"Sa akin its not really for beauty but for less hassle. Kasi nga hassle nga 'yung lagi kang nagpapa-wax."

Oktubre 6 nang mangyari ang insidente.

Permanent laser hair removal ang pinagawa noon ni Laudsa isang staff doktor sa Body and Face Weighless Center na pagmamay-ari naman ni Dr. Joel Mendez, isang experto sa anti-aging and weight loss.

Sa halip na mawala ang mga buhok sa kili-kili at binti, nasunog ang naturang mga parte ng katawan ni Rina.

Sa medical report, first degree burn ang inabot ng kanyang kili-kili at second degree burn naman ang inabot ng kanyang mga binti.

"Ang nangyari hindi siguro kabisado ng doctor ang kanilang makina at 'yung level na nagamit sa akin is way too high [for] my skin type or my skin color... so supposedly dapat intensity 6.5 lang ang intensity for me ang nagamit ay 12, so halos doble," ani Rina.

Dobleng sakit daw ang naramdaman ni Laudnoon. Bukod sa sakit ng sugat, labis din daw siyang nasaktan sa ginawa ng isang doktora sa naturang center.

Sa halip na tulungan, binaligtad daw siya ng doktor.

"Sabi ko normal ba 'yan parang sila nakatahimik lang, nakatameme. My friend said, 'Parang sunog e sunog ata 'yan.' Sabi nila, 'Hindi sunog 'yan.' Biglang humirit itong doctor who did us na 'Kasalanan niya kasi sabi niya taasan ko.' Una hindi ko pinansin e inuulit-ulit niya. Sabi ko, 'Teka muna ikaw ang doctor, ikaw ang may alam kung ano ang nararapat. Tinanong pa kita na sabi mo pwedeng taasan hanggang kaya kong i-tolerate ang pain.' It had nothing supposedly to do anything but pain tolerance," ani Rina.

Malaking kapabayaan raw para kay Laudang ginawa ng mga doktor at staff ng center. Tinagurian pa raw silang mga doktor pero wala naman daw first aid treatment siyang naranasan.

Kinailangan pa raw bilhin sa labas ang gamot na ibinigay sa kanya.

Nakakagulat din daw isipin na sa kabila ng nangyari, ayon kay Rina, parang wala raw ito kay Dr. Mendez at sa iba pang doktor at mga tauhan nito.

"When she went out and saw the treatment was still being done sabi niya kay Dr. Mendez, 'Dr. Mendez, just a show of sensitivity nasusunog na 'tong kaibigan ko bakit hindi tuloy-tuloy pa rin ang laser treatments n'yo. You haven’t even investigated kung ano ang nangyari, kung may problema ba 'yung machine n'yo.' The first reaction of Dr. Mendez was, 'Hindi, OK lang walang problema 'yung machine.' But then later on my friend brought it up again kasi she was really annoyed. [Sinabi niya:] 'Plastikin mo man lang kami kahit nandito kami itigil mo 'yan.'" Business as usual ang klinika, ani Rina.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Mendez ang kanyang naging reaksyon sa nangyari.

Ngayon lang daw nagkaroon ng ganitong problema tungkol sa pagpapa-permanent hair removal sa center niya.

"Yeah, [we were] business as usual coz I don’t wanna cause panic naman sa mga tao pero eventually nagsara din kami," ani Mendez.

Sinagot ni Dr. Mendez ang hospital bills ni Rina. Bahagi raw ito ng kanyang responsibilidad.

Giit naman ni Rina, hindi siya nakakita ng malasakit sa doktor. "Sinabi niya sa isang interview niya na siya ang nagdala sa akin sa hospital that’s not true," ani Rina.

"Pinayungan ko pa sila…hindi ako sumama pa pero pinasama ko 'yung isang doctor namin, then sumunod naman ako," ani Mendez.

Minsan na raw dinalaw ni Mendez si Laud sa bahay habang naka-bandage pa ang mga binti.
Pero hindi raw para silipin ang naging pinsala sa kanyang balat.

"Hindi man lang niya chineck ang armpit ko...umiikot lang siya ng bahay at tiningnan ang paligid. Hindi ko alam kung bakit. Tapos after niyang umikot umalis [siya] agad. Ayoko naman gumawa ng conclusion on this," ani Laud.

"I checked her. You can even ask the guard na pumunta ako dun. Pinadalhan ko pa siya ng gamot sa isa kong staff," ani Mendez.

Habang nagpapagaling si Laud ay hindi na raw siya umaasa na magbigay ng personal apology si Mendez.

Wala man daw paghingi ng paumanhin na lumabas sa bibig ng doktor simula pa raw na mangyari ang insidente.

"He never apologized," ani Laud.

Pero si Mendez naman, matibay ang paninindigan. "Why would I say sorry, hindi naman ako ang gumawa sa kanya. (Pero responsibilidad n'yo pa rin daw po dahil kayo ang may-ari ng klinika). Yeah, thanks at least I own one pero I did my responsibility," ani Mendez.

Kasalukuyang kinokonsulta ni Rina sa kanyang legal counsel kung ano ang kasong isasampa niya dahil sa kanyang sinapit.

Sa kabila ng kontrobersiya, tila hindi naman naapektuhan ang klinika at ibang kliyente ni Mendez. Kahit ano raw kaso ang isampa ni Laud ay handa siyang harapin ito.

Nirekomenda kay Laud ng isang pinsan niya ang center ni Mendez na sikat bilang "doctor to the stars."

Bunsod nito, hindi nagdalawang isip si Laud na ipagkatiwala ang kanyang binti at kili-kili sa center.

"Kasi ako hindi naman ako pupunta sa basta-basta klinika lang pupunta ako dun sa may pangalan at isa na si Dr. Mendez dun dahil pinupuntahan naman ng mga artista na sa tingin ko ay may pangalan," ani Laud.

"You know Boy [Abunda], the reason why I decided to come out of this was I want people to know na ito ay nangyayari at maaari pang mangyari kung hindi magsasalita ang mga tao," ani Laud.

Ang pagiging kilala ng isang doktor o center ang madalas ikatwiran ng mga tao kung bakit madali silang makumbinse na nasa mabuti silang kamay, ayon sa Philippine Dermatological Society o PDS.

Ipinaliwanag ni Dr. Sylvia Jacinto na hindi basta-basta ang paggamit ng laser technology sa balat ng tao.

"Kumplikado ang parameters ng lasers e. Pwede kang makasunog, pwede kang makapaltos, pwede kang makauka so maraming possibility. 'Yung sunog ang mga common niyan e. Nasusunog ang balat niyan e kasi remember this is a very intense light," ani Jacinto.

Isa lang daw si Luad sa mga biktima ng diumano’y cosmetic medical malpractice.

Pero lingid sa kaalaman ng publiko, tila mas marami ang posibleng malagay sa panganib pagkalat ng mga small-time beauty parlor na nag-aalok ng cosmetic procedures.

Ikaw, ipagkakatiwala mo ba ang iyong katawan