Remulla: Garcillano hindi pa ligtas sa mga kaso
Source:  www.abs-cbnnews.com

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may separate window na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)


Nilinaw ni Cavite Rep. Gilbert Remulla sa panayam ng DZMM nitong Huwebes na hindi pa lubusang makakakawala sa mga kaso si dating election commissioner Virgilio Garcillano kahit tapos na ang siyasat ng Kamara ng mga Representante sa kontrobersya ng "Hello, Garci." Anang kongresista, patuloy na nakatutok ang Kamara sa isyu partikular sa posibleng pandodoktor sa pasaporte ni Garcillano.

 DZMM: Ito bang pagkakatapos sa imbestigasyon ng "Hello, Garci" nakuntento ba kayo at 'yung sinasabi n'yo na pwede pang ihabol 'yung ibang pagtatanong sa kanya. Paano po 'yon?

Remulla: Pwede naman po dahil para sa akin ay kontento na din ako sa isang banda dahil after 14 hearings madami na din tayong nakuhang impormasyon para sa mga batas na pwede nating repasuhin.

Halimbawa, ano?

Halimbawa itong anti-wiretapping law marami po tayong pwedeng ipasok diyan, rerepasuhin po natin 'yan at titingnan natin kung ang gagawin po ng ating mga kasamahan ay ili-lift na po natin itong anti-wiretapping law o ipapagtibay po natin.

Pangalawa, siyempre 'yung Omnibus Election Code kailangan nating tingnan kung 'yung desisyon natin sa Kongreso ay ipagbabawal talaga natin ang pagtawag ng isang opisyal ng isang kandidato sa mga opisyal ng COMELEC.

Nabubuking naman 'yon kapag nawa-wiretap lang e?

'Yun nga lang po ang problema pero at least mayroon na din po tayong basehan para ipagbawal.

'Yung pangatlo po itong siyempre rerepasuhin din natin ang mga ahensya at mga procedure po ng mga ahensiya katulad po ng Bureau of Immigration and Deportation] at saka po ng [Intelligence Service of the Armed Force] dahil napakaimportante na irebyu natin ang budget ng intelligence community natin at kung paano sila nagkaroon ng wiretapping capability para sa mga cell phone at kung paano nila ginagamit itong capability.

Pero doon po sa lahat halos ng itinanong n'yo kay Garcillano, nakuntento ba kayo sa palagay n'yo ba ay nasagot niya 'yon lalo na doon sa isyu ng dayaan?

Siyempre naman po hindi kami nakuntento wala na po talaga kaming mapiga doon ngunit dahil kami po ay in aid of legislation lamang at hindi po prosecution ay pinabayaan na din po natin at hinayaan na din po natin na isara ang investigation at pagtatanong sa kanya.

Mayroon po ba kayong inihahanda na additional na paghaharap ng kaso o demanda kay Garcillano?

Kapag nakakuha po tayo ng ibang information katulad po doon sa passport niya kung ito ay napatunayan natin na ito ay baklas at tampered.

Ano ang napuna n'yo doon sa isang original na passport at saka sa passport ni Garcillano?

Nakita ko po, para sa akin, hindi naman po ako eksperto. Kung titingnan natin 'yung pinakagitna ng passport 'yung glue niya, 'yung pandikit niya para sa mga pahina ay parang napakakapal.

Pangalawa, kitang-kita natin 'yung mga pahina siguro dapat buo 'yung mga pages ito naman ay parang nabaklas na po at parang isiningit ''yung mga first siguro page 3 to 16 parang nabago dahil noong pinagmasdan kong mabuti ay hindi siya iisang pahina kung hindi dalawa na pinagdikit.

So kanino n'yo ire-refer ang mga question na 'yan para sa formal na imbestigasyon?

Sa central bank po at saka sa Department of Foreign Affairs dahil sila po ang in charge sa ating mga passport.

So aside from this ano pa ang inaasahan namin pagkatapos na matapos 'yan?

Siyempre ngayon nasa Senado na po ang bola at bahala na din po si Senator (Rodolfo) Biazon kung ipagpapatuloy niya ang imbestigasyon kay Garcillano.

Para sa amin ay napakaganda kung ipagpapatuloy din po ng Senado dahil nabibigyan po ng fresh perspective at kung ganoon po ang mangyayari ay baka marami pa din po tayong makukuhang impormasyon kung galing po kay Garcillano.

Kailan po kaya ipapalabas ng inyong komite 'yung mga nagha-handle niyan?

Siguro within the next month ay mayroon na po tayong committee report.

Pagkatapos po ng hearing na ito ano naman ang susunod na pagkakaabalahan ng mga kongresista kayo daw po ay nagbabad sa imbestigasyon samantalang 'yung mga mas higit na importanteng panukalang batas ay nababagoong diyan sa Kongreso lalo na ang budget?

'Yun nga lang po ang problema ngunit talaga pong napakatagal na ng imbestigasyong ito at tungkol naman posa budget ay parang ayaw naman pong ipasa ng ating Mababang Kapulugan itong budget at pinapabayaan ang isang reenacted budget dahil hanggang sa ngayon sa committee level ay madami pa ding katanungan at hindi pa din nagkakaroon ng debate sa floor.

So para lang sa akin ay ito na po ang sunod na pinaka-importante naming gagawin kasama din po dito 'yung anti-terrorism bill.