Ano ba ang totoo? |
(Source:
www.philstar.com)
|
Translation Tools |
![]() Pero teka, bat ganito? Isang araw makaraang ianunsiyo ang pagtataas ng suweldo ay marami na ang umaangas. Isa sa mga umaangas ay ang mismong bossing ng Department of Labor and Empoyment na si Patricia Sto. Tomas. Hindi raw dapat nagpahayag ang Presidente na magkakaroon ng umento sa sahod at magaganap ito sa loob ng 30 araw. Imposible raw mapagbigyan at madesisyunan agad ng wage board ang pagkakaloob ng umento. Nagbanta raw ang mga employer na magsasara kapag tinaasan ang minimum wage. Teka bat tila naging tagapagsalita yata ang Labor Secretary ng mga kompanya at nananakot pa. Hindi bat ang Labor department ang nagpoprotekta sa mga manggagawa pero bat lumalabas na ang mga kompanya ang pumi-pressure sa DOLE. Bukod kay Sto. Tomas, ang isa pang umangal ay si Senate President Franklin Drilon. Hindi raw dapat si Mrs. Arroyo ang nagtatakda ng pagtataas ng sahod sapagkat hindi ito kasama sa kanyang kapangyarihan. Ang wage board lamang aniya ang makapagtatakda kung may pagtataas ng sahod. Sabi naman ni Sen. Aquilino Pimentel, puro pangako lang si Mrs. Arroyo. Ano ba talaga ang totoo sa dagdag na sahod? Kung walang power si Mrs. Arroyo gaya ng sabi ni Drilon, tila tama si Pimentel na puro pangako ang Presidente. Malayo sa katotohanan ang sinabi na may wage increase. Isang araw din makaraang ihayag ni Mrs. Arroyo ang dagdg sa sahod, lumabas ang balitang P30 ang kayang ibigay ng mga employers. Masyadong malayo ang halagang ito sa P78 across-the-board increase na hirit ng Trade Union Congress of the Philippines at masyadong malayo sa P125 increase na demand ng Kilusang Mayo Uno. Ang P300 bawat araw na kita ay masyadong malayo sa P663 na dapat ay kitain at mabuhay ang isang pamilyang may anim na miyembro sa Metro Manila. Kung totoong P30 lang ang kaya ng mga employer, saan aabot ang halagang ito. |