Drilon: Salungat na pananaw sagabal sa Charter change
(Source: www.philstar.com)

anarule.gif (1534 bytes)

Translation Tools
(I-click ang link sa itaas at may panibagong "window" na lilitaw
kung saan makikita ang listahan ng lahat ng translation tools
na maaring magamit para sa dokumentong ito.)

Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na ang magkaibang pananaw ng Kamara ng mga Representante at Senado ang nagiging balakid sa pag-amyenda ng Saligang-Batas. Sa panayam ng DZMM nitong Miyerkoles, sinabi ni Drilon na hindi pabor ang karamihan sa mga senador sa panukalang constituent assembly ni Speaker Jose de Venecia dahil nais nila ay constitutioal convention.

DZMM: Inyo po bang nabasa yung Manila Overseas Press Club (MOPC) news, doon sa speech ni [Speaker Jose de Venecia] tungkol sa change in form of government, 'yung five options?

Drilon: Hindi ko po nabasa lahat.

Bottom line sir, payag ba kayo na magkaroon po ng pagbabago sa porma ng gobyerno?

Sa akin po ganito ang posisyon ko. Ako po ay sang-ayon na tingnan natin, rebisahin natin, rebyuhin natin ang ating Saligang-Batas.

Ang pag-amyenda ng ating Saligang-Batas ay hindi po ako tutol.

Sa akin po, ang aming pagkakaiba ni Speaker at ang pagkakaiba ng Senado, siguro mas nakakaraming senador [ay pabor sa] pamamaraan sa pagbabago ng ating Saligang-Batas.

Ang posisyon ng Senado, ang pagbabago ay dapat sa pamamagitan ng constitutional convention.

Ang sabi po ng Kamara ang pagbabago ay dapat sa pamamagitan ng constituent assembly, doon po kami nagkakaiba.

Doon po sa pagbabago na kung saan ang porma ng gobyerno ay gagawing parliamentaryo, Mr. Senate President?

Dahilan po sa aking posisyon na dapat ay ipagpaubaya natin sa constitutional convention ang mga ganoong klaseng mga sagot.

Dahilan sa ang aking tingin ay doon po dapat sa constitutional convention pag-uusapan ang pagpapalit ng ating Saligang-Batas at ng porma ng gobyerno.

So, bukas ang inyong isipan ika nga sa anuman pong magiging desisyon ng convention na ito?

Tama po 'yan.

Isa pang tanong diyan is, dito po sa binabanggit na constituent assembly may hamon na po ang Speaker na palagay ko naman ay tama lang na ilapit sa Supreme Court eventually ang desisyon na ito. Sila po daw ay magko-convene whether you like it or not into a constituent assembly, at kung ayaw niyong sumama sa kanila e bahala kayo, dahil sa kanilang palagay sa Saligang-Batas daw po natin, dapat ang Kongreso is voting as one hindi daw po ito voting separately, what is your thought, sir, on that?

‘Yan po, tama po 'yon na ultimately sa Korte Suprema. Ngunit sa aking tingin at sinuman sigurong nag-iisip na abogado na ating tanungin dalawang steps po bago tayo makarating doon sa botohan.

Ang unang step e constituting Congress into a constituent assembly.

Ibig sabihin bago po ang botohan as a constituent assembly bubuin muna ang Kongreso bilang isang constituent assembly at doon e sa palagay ko walang sapat na boto sa Senado.

Ibig sabihin, ang mga senador ibig naman siguro sumali sa debate, ngunit kung sasabihin mo na hindi kayo kasama sa boto at kami na po ang bahala sa boto e sa palagay ko naman ay walang senador na sasang-ayon diyan.

But that is voting separately?

Ipaliwanag ko po ano?

Go ahead sir please.

Dalawang resolusyon ang kailangan.

Una po, 'yung resolution constituting Congress into a constituent assembly.

Pangalawa, kapag na-constitute na into a constituent assembly doon po magbobotohan [ang] Congress acting as a constituent assembly.

Ngayon, doon sa unang resolusyon hiwalay po 'yan dahilan sa ang Senado at ang Kongreso ay magpapasa ng sarili nilang resolusyon na nagsasabi na we constitute ourselves into a constituent assembly.

'Yan po ay majority vote lamang.

Ngayon ang pangalawa, kapag natapos na po 'yung boto bilang constituent assembly e 'yung botohan on the proposed amendments to the Constitution, ang sinasabi ng Kamara hindi na kinakailangan ang boto ng Senado dahilan sa voting, ang kanilang interpretation ay voting jointly hindi po separately.

So, doon sa unang resolution paano po ‘yan kapag ang mga senador ay hindi magpasa ng resolution na sumasang-ayon sa gusto ng Mababang Kapulugan constituting itong Congress into a constituent assembly?

E di wala pong constituent assembly.

Deadlock?

Opo.

Wala pong constituent assembly.

Uulitin ko, bago po magbotohan kung ano ang amendment sa constitution ang unang hakbang po ay magpapasa ng resolution constituting ourselves into a constituent assembly.

So meaning, if you decide not to have a constituent assembly at all, it won’t happen?

It won’t happen and there will be no voting on the proposed amendment.

Interasado po ba kayo sa magiging rekomendasyon nitong constitutional committee?

Interesado po tayong lahat diyan as in any study group, puwede din po 'yung UP Law Center mag-aral, pwede din 'yung Philippine Bar Assocition, pwede din po 'yung Integrated Bar of the Philippines.

Ano po ang inyong opinyon sa mga miembro na pinili po ng Malacaņan dito?

Ipaubaya [na natin sa kanila 'yan], tutal sila naman po ang pumili niyan, that is their own prerogative.

So, it doesn’t really matter?

It doesn’t really matter dahil study group lang po ‘yan.

'Yun po bang isyu na ‘yon ay dapat sa palagay niyo na ilapit sa Supreme Court 'yung pagbubuo ng dalawang kapulungan separately ng resolution convening congress into a constituent assembly o 'yan po, 'ika nga, ay no room for interpretation dahil maliwanag na?

Maliwanag po ‘yan no room for interpretation.

'Yung sinasabi nilang may room for interpretation ay yung botohan on the amendment itself hindi po ba? Dalawang bagay po ‘yan.

First, uulitin ko po ‘yung resolution constituting Congress into a constituent assembly 'yun po ay hindi kailangan ang three-fourths vote, hiwalay ang boto po niyan.

Sasabihin ng Senado, in fact noong isang Kongreso nagkaroon na po ng resolution sa Senado may committee report na calling for a constitutional convention.

So, hiwalay po 'yan 'yung resolution constituting Congress into a constituent assembly.

Pagkatapos po ng resolusyon na ‘yan na kailangang ipasa separately by majority vote lang, uulitin ko po hindi po three-fourths magko-convene po into a constituent assembly ang Kongreso at Senado at doon ay magbobotohan sa propose amendment.

Ngayon doon sa botohan doon sinasabi ng ating mga kasamahan sa lower house na hindi na kailangan ang boto ng Senado dahilan sa sila pa lang, dahil sa number ay pwede pong mabuo ang three-fourths vote. Hindi kailangan ang voting separately doon po sa proposed amendments of the Constitution.

So, sa ngayon po Senador ang inyong damdamin bilang pinuno ng Senado, ang damdamin ng mga senador karamihan ay ayaw dito sa constituent assembly resolution na ito?

Tama po ‘yan