Presyo ng gasolina, itinaas (Source: www.abs-cbnnews.com)
|
Translation Tools |
![]() Karamihan sa mga kumpanya ay nagpataw ng P0.75 na dagdag sa kada litro ng diesel at gasolina. Bagamat alam na ng Kagawaran ng Enerhiya (DOE) ang panibagong pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi nito na kailangang magpaliwanag ang mga kumpanya ng langis. Dati ay P.50 lamang sa bawat litro ang itinataas ng mga kumpanya ng langis ngunit nitong Sabado at Linggo ng umaga ay bigla na lamang nagtaas ng P0.75. Iginiit naman ng mga kumpanya ng langis na hindi nila tinitikis ang mga samahang mamamasada. Nagkataon lamang umano na talagang kailangan na nilang magtaas ng presyo. Sinabi ng mga kumpanya ng langis na dapat ay sa susunod na buwan pa sila magtataas pero biglang nagbago ang takbo ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Idinagdag pa ng mga ito na dapat ay P3 biglaan ang itataas nila sa bawat litro ng produktong petrolyo pero nagdesisyon sila na dahan-dahanin na lamang ang pagtataas kahit pa mayroon silang lugi na P3. Sa isyu naman ng pagkontrol ng gobyerno sa mga kumpanya ng langis, sinabi ng mga ito na pabor sila sa naturang hakbangin dahil sigurado umano silang kikita sa ganitong sistema. Sa gitna ng panibagong pagtataas ng presyo ng langis, umaasa ang Kagawaran ng Enerhiya na bababa na ito sa darating na Mayo. Ngunit tahimik ang mga kumpanya ng langis dito at hindi nangako na mangyayari ang sinasabi ng kagawaran. |