PRESENTATION OF THE LESSON

anarule.gif (1534 bytes)



ANG PAMILYANG SANTOS



pamilya.gif (154329 bytes)

 

 

real.gif (626 bytes) Click on the audio icon, listen to the audio,
            and try to understand the dialogue.    

   Marie   Hoy Fred, ano iyang dala mo?
   Fred   Retrato ng pamilya ko.
   Marie   Patingin nga.  Sino ito?
   Fred   'Yan ang Nanay ko.
   Marie   Ito ba ang tatay mo?
   Fred   Oo, iyan nga.  At ito naman ang lolo
  at lola ko
   Marie   Ilan ang kapatid mo?
   Fred   Dalawa lang, ito si Mary, ang ate
  ko. At ito ang bunso namin.

anarule.gif (1534 bytes)


Basahin ang sanaysay sa ibaba.  Magsulat ng isang sanaysay tungkol sa isang miyembro ng iyong pamilya na gusto mong pasalamatan.

Dakila si AMA
Kabayan

real.gif (626 bytes)


TUNAY na dakila ang pagmamahal ng isang ama. May mga katangian ang
mga tatay natin na maipagmamalaki kaninuman.


Mabait - Kabutihan sa pamilya likas na makikita sa mga ama - sa kanyang
pag-iisip, salita at paggawa.

Maunawain - Naiintindihan ng isang butihing ama ang saloobin ng asawa at
mga anak, kahit sa isang sitwasyon na kailangan ang pagpapaliwanag.


Masunurin - Sabi nila under-de-saya raw kapag sumusunod sa asawa. Ang
hindi nila alam, siya ay sumusunod para lang sa ikabubuti ng samahan ng
pamilya.


Masipag - Hindi na kailangang sabihan ang tatay kung paano siya
makatutulong sa kasambahay. Siya ay may sariling pagkukusa at malasakit.

Magalang - Hindi lang sa nakatatanda gumagalang ang mabuting ama. May
respeto siya para sa lahat ng tao, mataas man o mababa.


Mapagmahal - Binibigyan ng mga itay ng atensiyon ang lahat ng mahal niya
sa buhay. Pinupuno niya ng dalisay na pagmamahal ang tahanan.

Masayahin - Kahit anong dami ng problema sa buhay, ang ama ay masaya
pa rin dahil alam niyang ito ay may solusyon. Kaya ang masayahing ama ay
may masaya ring pamilya.

Mapagbigay - Kung meron lang din ang ama, pinupunan niya ang pangangailangan ng pamilya. Masaya siya kung naibibili ng bagong sapatos o damit ang kanyang mga anak.

Matulungin - Hindi lang sa loob ng tahanan nakikita ang pagkamatulungin ng
isang ama. Maging sa hindi ka-pamilyang nangangailangan ay tumutulong
siya - hindi lang sa mga materyal na bagay. Maging sa payo, oras o
espiritwal na ikabubuti ng iba ay handa siyang magbigay.

Masinop - Kahit anong liit o laki ng puwede pang pakinabangan ay kanyang
iipunin upang sa pagdating ng kagi-pitan ay mayroon siyang kukunin.


Pagiging tapat - Lahat ng bagay o oras ay kanyang ipinapaalam pa sa asawa
at maging sa mga anak. Halimbawa, kung gagabihin sa pag-uwi ay
nagsasabi ito upang hindi mag-alala ang mga naghihintay sa kanya.

At higit sa lahat ang butihing ama ay maka-Diyos. Kilala niya ang tunay na
Ama, ang Dakilang Lumikha. Minamarapat ng bawat ama na
magpapasalamat sa mga biyayang tinatanggap sa araw-araw at
ipinapanalangin niyang tuwina na siya rin ay maging mabuting ama sa
kanyang pamilya.

Sana sa araw ng mga ama, sabihin nating "Mahal namin kayo, tatay." Kung
may di-pagkakaunawaan, panahon na para humingi ng tawad. Kung may
dapat linawin o isaayos, mabutihing huwag na itong patagalin. Ipakita ang
pagmamahal. Gawing tunay na makabuluhan at masaya ang pagbati ng
"Happy Fathers' Day!"

Back to Top